25

13.8K 340 202
                                    


---

Ika ika man maglakad ay nagtungo ako sa C.R mag-isa matapos ayusin ang mga gamit namin ni Sandro. nasa baba siya at may Interview via zoom, buti nalang at mabilis akong nakapag-ayos kaya't maliligo na ako. binilisan ko nalang tuloy ang pagligo at ika ikang magbihis.

Pagharap ko sa salamin ay may marka palang naiwan! I wear a white long sleeve turtle neck at jeans. sneakers nalang sa ibaba, buti nalang at nang matapos ako ay umupo muna ako sa couch sa kwarto niya, kaaakyat lamang ni Sandro.

"Are you okay?" he asked, worried. at tumango ako. "Are you sure?" tanong niya ulit at tumango ako.

"Oo okay na ko, sige na maligo ka na matagal pa biyahe natin" usal ko.

Nag cellphone nalang ako at nakipag usap kay Allysa, gising siya ngayon kaya kung ano ano lang sinasabi ko at balak kong sabihin ang nangyari sa amin pagkauwi namin ni Sandro sa Pilipinas.

Maya maya ay bihis na si Sandro at nag-aayos na lamang siya ng buhok. he's wearing a red dress shirt tucked in on his slacks. ganito naman kasi ang kadalasang porma niya, masyadong formal pero ang lakas ng dating. may tinawagan lang siya saglit at maya maya pa'y umalis na kami.

Goodbye London!!!

Kitang kita sa eroplano ang ganda ng mga city lights dito sa London, nasa Business class kami ni Sandro ewan ko ba. rich kid to eh! he is holding my hand.

"Gusto kong mag travel sa buong mundo kasama ka" usal niya.

"Ang gastos non" sagot ko at natawa siya.

"Everything's worth it when I'm with you Laine" aniya, I smiled.

"Ako basta kasama lang kita ayos na ko" tugon ko.

"Really?" tanong niya at tumango ako. we talk about life, dahil sabi niya ay kalahating araw daw ang biyahe namin, nakarating pa ang usapan namin sa Ex ko. kay Chaser.

"Ilang years ulit kayo nung Ex mo?"he asked.

"Ah si Chaser? ahmmm..." nag-isip pa ako dahil high school pa kami non. "Hindi ko na matandaan eh, pero we're in good terms naman. ayoko kasing magtanim ng sama ng loob" sagot ko.

"Nasa U.S siya ngayon diba?" tanong niya nanaman.

"Oo, yung parents niya kasi strict eh solong anak lang yun kaya ayun, doon siya pinagtrabaho para magtino siguro, pasaway kasi" sambit ko. "Eh ikaw saan kayo nagkakilala nung ex mo?" tanong ko.

"Sa London" sagot niya. "Ayaw sa kaniya ni Mom, pero...pero gusto ko siya before kaya wala silang nagawa" dagdag pa niya.

"Ako kaya? gusto kaya ako ni Tita?" tanong ko bigla.

"Oo naman, hindi mo pa ba halata?" sagot niya.

"Alam mo ba si Tita Liza lang yung sinabihan ko na gusto kita, kala Simon hindi ko sinabi eh kay Tita lang buti hindi niya sinabi say--"

"She told me" he cut me off at tinignan ko siya sa gulat.

"Huh?" takang tanong ko.

"Yeah, she told me" natatawa niyang sagot at ngumuso ako.

"B-Bakit?" tanong ko. "I mean, bakit niya sinabi?" usal ko.

He laughed. "My Mom is the worst at keeping secret Laine" sagot niya at ngumuso ako.

Ewan ko pero kapag magkasama kaming dalawa, ipinapakita niya yung makulit niyang side.

Nang makaramdam ng antok ay natulog na lamang kami sa biyahe at nagising na lang nang makalapag na sa pilipinas. HELLO AGAIN BAYANG SINILANGAN!

HTDOSMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon