26

12.2K 417 182
                                    

--

"Baklaaaaaaaaaaaaaaaa!!!" mas malakas pa sa malakas ng bungad ni Allysa nang pagbuksan niya ako ng pintuan, niyakap niya kaagad ako. "Di mo sinabing pupunta ka ano ba yan!" sambit niya pa at bumaling kay Sandro. "S-Sir! nako, salamat at napadpad kayo dito" sambit niya at ngumiti si Sandro.

"Dito raw matutulog si Laine, hinatid ko lang siya dahil miss ka na niya" tugon ni Sandro.

"Saktong sakto kakaluto ko lang ng hapunan! tara pasok kayo" hinila ako ni Ally dahilan para bilisan ko ang ika ika kong lakad. muntik pa akong matumba kaya, inalalayan ako ni Sandro. "Ay sorry! nyare sa paglakad mo bat ganyan?" tanong ni Ally bumaling sa binti ko.

"A-Ah..." nag-iisip ako ng isasagot.

"Dibale, tara na dahan dahan lang" aniya at nagdahan dahan lang kami sa paglakad. lumingon ako kay Sandro na dala ang bagahe ko at natawa ito ng patago. magkatabi kami ni Sandro sa lamesa at si Ally na ang nag asikaso sa amin.

"Maupo ka nalang jan Lallaina, nako napano ka ba don! hay nako, buti nalang at nagluto na ko ng paborito mong ramen oh heto" hindi matigil ang bunganga ni Ally. "Dito ka rin ba matutulog Sir?" tanong ni Allysa kay Sandro.

"Nako hindi, sa bahay ng Lola ko ako matutulog. hinatid ko lang si Laine" sagot ni Sandro.

"Ah, sige Sir kain muna tayo" sambit niya at inabutan si Sandro.

Tahimik lang kaming kumain at si Allysa na ang naghugas, nagpaalam na rin si Sandro habang naghuhugas siya at bago umalis si Sandro ay hinalikan niya ako sa labi.

"Just message me okay?" usal niya at hinalikan ako ulit sa noo. "Take care, Goodnight" aniya.

"Ingat kayo, Goodnight din" tugon ko at lumabas na siya.

I sighed before looking around. wala namang nagbabago maganda pa rin, at malinis. ano pa bang aasahan ko eh si Allysa 'to! hindi rin to mapakali ng walang ginagawa kahit mayaman at lumaking may mga katulong.

Hay! namiss ko 'to. habang nagliligpit si Allysa ay kinausap ko lang si Mama. as usual naka off cam at kinamusta lang ako, madalas kasing hindi tugma ang mga oras namin kaya't hindi kami nakakapag kamustahan ng ayos.

Matapos namin mag-video call ay lumabas na si Allysa. "Woooh! buti nalang at wala akong pasok, ano baka kumusta ang London? wow ah, ang init sa pinas ang lakas mong mag long sleeve turtle neck" aniya.

"Okay lang naman, masaya tapos...uminom ako ng alak, party party"kuwento ko.

"Nako teh, ako rin nag party ako nung isang araw pano anniversary ng kumpanya edi ayon!" kuwento niya.

"Ako naman, diba nga sabi ko sa'yo Congratulations party nila kay Sandro" sambit ko at nagkwento kami ng karanasan bago ako maligo. I just wear a nighties.

"Gaga ka ano yan?" natigilan tuloy ako nang maalalang may marka sa leeg ko.

"Uh...."

Lumapit si Ally chineck ang leeg ko. "Gaga ano yan?" tanong niya. "Huwag mong sabihin saking--"

"May nangyari." ako na ang nagsabi. natulala siya at natigilan, ika ika man ay nilagpasan ko siya. "Oo, tama ka ng rinig. may nangyari kaya ganito ako maglakad" sambit ko at naupo sa Sofa.

"Bakit pati paglalakad mo naapektuhan? don't tell me binalibag ka niya?" tanong niya at natawa ako.

"Gaga hindi, basta alam mo na yung ginagawa kapag ganun" sambit ko.

"Gumamit ba kayo ng proteksyon?" tanong niya at tumango ako.

"I already took pills" sagot ko.

"Nako buti naman! kaya pala todo turtle neck ka, may tinatago ka palang marka!" asik niya. "Hay, anong feeling?"ang kaninang medyo galit ay naging curious ngayon. hindi pa ba ako nasanay dito kay Allysa? best actress yata to.

HTDOSMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon