17

12.6K 372 490
                                    

--

Hindi ko alam pero nakatulog si Sandro habang nakayakap sa akin. aalis sana ako pero hinihigpitan niya pa ang yakap kaya pahirapan ko tuloy patayin ang T.V. habang natutulog siya ay nagcecellphone lang ako, at speaking of cellphone ay naglakas loob na akong tingnan ang phone ni Sandro.

Ngunit imbes na magselos sa mga kausap niya ay napangiti ako ng ako ang lock screen niya. It was a stolen shot from the Paoay Sand Dunes habang nakasakay ako sa Sand Motor. I look so happy there. I don't want to invade his privacy so I didn't open his phone.

I faced him instead and held his face. "Gwapo talaga" usal ko at hinalikan ang noo niya, medyo gumalaw siya kaya umayos ako ng higa. I changed my wallpaper na kulay red lang sa picture namin ni Sandro sa may windmill, ang cute namin tingnan don para kaming magjowa...

Well...ano ba kami ngayon? Boss ko pa rin siya at Secretary niya ko pero bakit ganito? hindi ko alam pero...pero basta gusto ko naman to at masaya ako dito.

It's 7 P.M na pala, ang tagal ko rin nag-ayos at ang tagal rin namin nag-ayos ng gamit niya. kakain pa kaya si Sandro? inaantok na kasi ako. hindi ko tuloy namalayan na nakatulog na ako. nagising nalang ako sa kulo ng tiyan ko. Sir Sandro was still sleeping, nakayakap ako sa kaniya. agad tuloy akong napatayo at nagtungo sa kwarto ko.

I looked at the mirror and touch every corner of me. I sighed nang maalala na kiss lang pala yon. naligo na agad ako at bumaba, they are all there. I greeted Tito and Tita and Im about to greet Simon and Vinny when Sandro came.

"Good Morning guys" he greeted so I just smile and sit down.

"Hindi yata kayo nag-hapunan kagabi, Laine? Sandro?" tanong ni Tito Bong. I looked at Sandro and he just sighed.

"I already fell asleep, ang sarap nga ng tulog ko eh kaya hindi na ako nakababa" tugon niya.

"A-Ako rin po, nag-ayos po kasi ako ng gamit at nakatulog na rin po" pagsisinungaling ko. napalunok ako sa sagot ko dahil ayokong ayoko ng nagsisinungaling.

"Ganun ba? o siya, mamayang tanghali na ang alis natin. ipapababa ko na sa mga staffs ko ang gamit ninyo" sambit ni Tito. matapos kumain ay nagtungo nalang ako sa sala at naupo rin doon si Sandro.

"How's your sleep?" he asked.

"Uh...good, sakto lang yung lamig kasi electric fan gamit mo" usal ko.

"Sana sinabi mo na gusto mo ang aircon para buksan ko" sambit niya.

"Ay hindi, mas okay ang electric fan sakin kasi hindi sobrang lamig. ayoko ng sobrang lamig eh, hindi ako komportable" tugon ko.

"Okay, pero sa London walang electric fan doon" usal niya.

"O-Okay lang" tugon ko.

"Im excited that you'll meet my Lola, Mama Meldy." aniya.

"Hala! pwedeng papicture sa kaniya?" tanong ko.

"Of course, mabait naman siya" sagot niya.

Nang dumating ang maghahakot ng gamit nila Tito Bong at Tita Liza ay nagtungo kami sa kani kaniyang kuwarto upang ibaba ang gamit namin. I change my clothes, I wear a green puff sleeve maxi dress and put a headband, I wear a One strap beige suede heels and went downstairs.

"Laine's with me in the car Dad, puno na yata kayo eh" Sandro held my waist.

"Okay, magkita nalang tayo sa Malacañang ano? sige na, ingat kayo Laine.."baling nito sa akin.

"Ingat din po tito!" usal ko. nagtungo na kami sa kotse ni Sandro at nandoon ang driver niya, hindi daw kami gagamit ng eroplano dahil masyadong marami ang dala namin delikado na.

HTDOSMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon