73

8.9K 551 759
                                    

--

Nakaakbay si Allysa sa akin at pinapatahan ako. okay na kami, hindi naman kami matagal mag-away nito dahil alam niyang kaming dalawa lang din ang magkakampi sa huli.

"Pero Ally, baka hindi ako pakinggan ni Sandro once na sabihin ko dahil sa nakita niya" usal ko.

"Ano ba nakita niya?" tanong ni Allysa.

I sighed heavily before answering. "Nilayo kasi siya ni Chaser, at inassign sa Ilocos Norte kaya wala siya buong araw sa hotel at--"

"Ang gago naman niyan ni Chuseng, kontrabidang sabik sa pagmamahal ang peg?!" asik niya. "Oh sige tuloy" aniya.

"S-Syempre malungkot ako, sino ba naman ang hindi lulungkot kung ganoon ang mangyayari diba?-"

"Oo nga, malungkot nga yon" tugon niya ulit.

"Tapos nung mga hapon napansin yata ni Chase na malungkot ako edi tinanong niya ako ng kung ano ano, nag sabi rin siya ng kung ano ano tapos hanggang sa tanungin niya ako kung mahal ko siya--"

"Hulaan ko sagot mo, hindi?" tanong niya at umiling ako.

"Patapusin mo muna kaya ako" usal ko.

"Ay sorry hehe, sige continue" aniya at bumuntong hininga ako ulit bago sumagot.

"Ang sasabihin ko sana eh, Mahal kita bilang kaibigan at bilang ninong ng anak ko pero hindi na natuloy dahil hinalikan niya ako--"

"Anoooooooo?!!!" talagang salubong na kilay na tanong ni Allysa.

"Tapos a-ayon...nakita ni S-Sandro" pahina ng pahina ang boses ko habang sinasabi yon.

"Aba'y napaka gago at hayop naman pala talaga niyang si Chuseng eh 'no! humanda sakin yang putashit na yan!" asik niya at tila umuusok pa ang ilong.

"Kaya nga eh, kaya heto napaka desperada ko kanina para magpaliwanag kaya na-late ako" sambit ko.

"Saan ka ba nagsususuot?" she asked.

"I went to his house, pero hindi siya yung naabutan ko" sagot ko.

"Sino?" tanong niya.

"Si Simon" sagot ko at natakpan ko ang tenga ko sa lakas ng tili niya. "Baka magising yung anak ko teh!" saway ko at napatakip siya sa bibig.

"Gaga ka! single pa rin ba? pwedeng mag apply din ako as secretary?" she asked at napatawa ako.

"I didn't ask him, tsaka wala na sa isip ko yon kanina. si Sandro lang talaga" sambit ko.

"Ay sayang naman! next time tanong mo ah" aniya at tumango nalang ako.

"Pero ayon nga, I was too desperate to explain everything kay Sandro pero...makikinig kaya siya?" tanong ko.

"Parang hindi mo naman kilala si Sandro teh! ilang taon kayong magkasama jusko!" sambit niya.

"Pero hindi eh" tugon ko at umiiyak na kinuwento ang nangyari kanina.

Ramdam ko ang inis at galit niya kay Chaser dahil halos masira niya ang couch sa kakasuntok niya rito, halos masira rin ang mga unan at ang vase na nasa center table.

"Bakla kalma" saway ko dahil grabe na.

"Tsk! humanda talaga sakin yang Chuseng na yan" umiiling iling niyang usal.

I sighed. "Ayon, kaya hindi ko alam ang gagawin ko" sagot ko.

"Kung ako sa'yo, Laine harapin mo sila ng walang takot. lumaban ka, ipaglaban mo si Lexia." payo niya. "Kung nasira nila kayo noon, huwag niyo nang hayaan na gawin nila ulit ngayon. dahil lalo silang lumalakas kapag nanghihina ka" dagdag niya pa at narealize ko ang maraming bagay.

HTDOSMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon