28

12.8K 341 691
                                    


--

I woke up early at agad na nagprepare para sa isang busy day. after taking a bath, I just wear my Uniform tucked in my highwaist pants, I wear a cap, sneakers at body bag lang ang dinala ko.

Of course yung marka ay tinakpan ko gamit ang mga concealer at dasal sa libo libong santo. sa loob ng bag ko ay nandoon ang mga pangunahing kailangan kagaya ng wallet, phone, powerbank, health and hygiene kit. bago lumabas ay chineck ko muna ang gmail ni Sandro pero buti nalang at wala na siyang sched na dumagdag.

I knocked before entering. "Good Morning" bati ko, he smiled.

"Good Morning Laine" tugon niya. lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. "Anong oras ka natulog?" tanong niya.

"Ahmm...pagkaakyat ko galing sa ibaba, ayun natulog na ko" sagot ko.

"Mmm, okay...anong ginawa niyo ni Simon?" tanong niya ulit.

"Dating gawi, kumanta lang" sagot ko.

"What did he say to you?" tanong niya ulit.

"Kawawa yung kapatid mo, malungkot siya" sagot ko.

"Why?" tanong niya nanaman.

"Kasi yung kanta daw na tinugtog niya at kinanta ko eh, kanta niya daw yon para sa babaeng gusto niya na almost taken na nako kawawa... iniisip niya siguro lagi yung babae tapos pinipilit niyang itigil yung nararamdaman niya pero hindi niya kaya..." I sighed. "Kawawa naman si Simon, sino kaya yung babae na yun" sambit ko at bumuntong hininga si Sandro.

"Do you drink tons of anesthesia?" tanong ni Sandro.

"Ha? bakit ko naman iinumin yon edi nawalan ako ng pakiramdam?" takang tanong ko.

"Tsh, exactly" tugon niya at nagtataka akong tumingin sa kaniya. "I already told you when we're in London diba?" aniya.

"Na ano? na gusto ako ni Simon? malabo! una, hindi ko maramdaman na may gusto siya sa akin. ikalawa, sabi niya lagi niyang nakakausap ang babae yon, at ikatlo...basta! hindi ako yon" paliwanag ko at umiling iling siya.

"Ewan ko sa'yo Laine, tara na nga kumain nalang tayo ng breakfast" pang-aaya niya at nagkibit balikat nalang ako at dinala niya ang bag niya. pagbaba ko ay nakahanda na ang almusal namin.

"Damihan mo kain mo mahaba habang araw tayo lalabas" usal ko. I prepared his tea bago magsimulang kumain. nang matapos kami ay lumabas agad kami at sumakay sa sasakyan. habang nasa loob ng sasakyan ay ipinatong niya ang ulo sa balikat ko.

"Kung titignan mo palang yung sched mo eh nakakapagod na" sambit ko.

"I know. pero sabi ko nga sa'yo diba, I will never get tired serving my fellow Filipino's" tugon niya.

"Pero tao ka lang rin, alam kong napapagod ka--" he cut me off.

"Hinding hindi ako mapapagod, dahil kasama ko ang pahinga ko" he held my hand, and kissed it. tumingin nalang ako sa ibang gawi upang itago ang kilig.

Ang unang pinuntahan namin ay ang eskwelahan dito, umupo ako sa may unahan habang si Sandro naman ay nasa stage. I took a picture of him dahil sobrang pogi niya...wala siyang binabasang script at ang galing niya mag-ilocano. hindi ko naiintindihan ang pag-iilocano niya pero napalakpak ako sa tuwing may napalakpak at a buong oras na nagsasalita siya ay nakangiti lang ako. napakaraming nagtitilian na Highschool students kay Sandro, kung hindi nga lang siya pumasok sa politika eh baka pwede na siyang maging artista.

"Agyamanak apo!" iyan ang huli niyang sinambit nang matapos ang speech niya. napakalakas na palakpakan ang sumunod na nangyari. "Maari nalang po na itaas ang kamay kung may mga katanungan pa po" sambit niya. may mga estudyante na nagsitaasan ng kamay at sinagot lahat ni Sandro lahat ng tanong nila, ngunit halos kilabutan ako ng tanungin ng huling babae na yon si Sandro.

HTDOSMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon