Chapter 1

359 17 0
                                    

THE AFTERNOON SUNLIGHT passed through the thin-weaved curtains of the classroom, and the noises that can be heard are the teachers' voices from the other rooms, the shifting of leaves outside, and the sound of chalk banging on the blackboard.

Isang punong guro ang marahang naglalakad sa gitna ng aisle. Lumilikha ng ingay ang suot nitong sapatos sa makintab na sahig ng silid-aralan. Humarap siya sa kaniyang mga estudyante matapos isulat ang salitang 'Minokawa' sa pisara.

"Mayroon ba sa inyo ang makakahula kung bakit narito ngayon ang mapa ng Minokawa?" ikinumpas niya ang kaniyang kamay sa kopya ng mapa ng isang siyudad na nakadikit sa pisara.

Sinuri niya ang ekspresyon ng mga nalilito niyang estudyante, nagtataka kung bakit tila'y may balak silang talakayin ang heograpiya ng kanilang siyudad sa asignaturang Arts. Nang mapansing wala talaga sa kanila ang gustong sumagot, marahang umubo ang guro bago muling magsalita.

"From the knowledge you acquired in your Araling Panlipunan subject, Minokawa is called 'The Kite City' if we connect the five major places it constitutes, am I right?" tanong niya upang makasiguro sa natutunan ng kaniyang mga mag-aaral at malamang nakikinig pa rin sila.

"Opo, Ma'am Selene!" banggit nilang lahat nang magkakasabay. Napangiti naman dito ang guro at nagpatuloy.

"At wala naman sa kasaysayan natin na manmade ang geography ng siyudad, hindi ba?" muli niyang tanong. "Hindi ba pumasok sa isip niyo na ang natural na hugis ng Minokawa ay maituturing nang piraso ng sining?" lumawak ang ngiti ni Selene nang makitang naliwanagan ang mga bata.

"Ang katangian ng Minokawa City mula sa eksaktong hugis ng saranggola ay masasabing mahalaga sapagkat ito ang mga bumubuo sa kagandahang sining ng siyudad. Kasama na rin sa katangiang ito ang heograpiya, kultura at mga paniniwala ng naninirahan sa mga bayan sa loob ng lugar" ani ng guro.

"The next example is an artwork that came from the tail of the Kite City." Muling pinagmasdan ni Selene ang biglaang katahimikan ng silid. "You can find it in your book, page 25, the 'Destructive Healer'."

Selene took a side glance at the open book on her desk, looking at the image of the said painting. It was a faceless man with a ruined city resting on the palm of his hands. Behind the man was a human-shaped shadow. There wasn't any detailed description of it. Only the initials of the painter were written below the image at ang URL ng isang website kung saan ito nakuha ng authors. Even the website has nothing to offer but news about the retrieval.

According to the national museum, the documentation was burned when the robbery disguised as arson happened years ago. Maraming nawalang papeles, nasirang artifacts at namatay na workers dahil doon. Kaya sa textbook na hawak ni Selene, only the painting of the healer was saved from turning it to ashes. With no luck, even the painter's biography didn't have space in the book.

She picked up the book and slowly traced her slender fingers on the picture as if she was touching the real thing. As she stared at it longer, she suddenly felt little sparks beginning to electrify her abdomen.

Napatalon na lang bigla si Selene nang maramdaman ang kamay ng isang estudyante sa kaniyang braso. 

"Ma'am Selene? Lumipad po 'yong mga papel," sambit ng estudyanteng kumalabit sa kaniya.

 "Nahulog rin po ang libro niyo."

Yuyuko na sana ito nang iwinasiwas ni Selene ang kamay niya at umiling. "Ako na, bumalik ka na sa upuan mo. Maraming salamat."

Pinulot ni Selene ang aklat mula sa sahig ngunit bigla na lamang siyang inatake ng matinding sakit sa ulo. Napahawak siya sa kaniyang sentido habang pinikit niya ang mga mata, iniinda ito at umaasang  mawala ang sakit. Hindi kadiliman ang nakita ni Selene sa pagpikit ng mga mata niya, kundi saligutgot sa buong paligid, dugong nagkalat, at isang lalaking may mabuktot na ngiti.

La Cometa 1892Where stories live. Discover now