Chapter 26

43 5 0
                                    

GAUZY. TIME MIGHT have moved slower than usual, but it was odd that it felt the world had halted from revolving. Gano'n na lamang nang humina ang mga boses, at sa huli'y nawala din.



Mabilis ang pag-ikot ng paligid, subalit hindi rin naman kumikibo ang mga bagay na naroroon. Ang mga pigura'y nakatayo lamang, huminto na sa paggalaw nila. Kahit na ang hangi'y hindi rin sumisipol ni ang mga pagkampay ng bawat sanga ng kapunuan.



Gauzy, indeed. Isang di maintindihang pagkalabo ang nangyayari. Habang tumatagal, nawawala na rin ang saysay ng oras . . . eksistensya . . . pagkabuhay. Marahil wala pang nakakaisip na magiging ganito ang lahat.



Sapagka't may nabago na.



Sapagka't may nag-iba na nga sa kapalaran ng apat.



Napatingin si Aelia kay Selene at gayundin si Selene kay Endy. Silang tatlo'y magkakasama, subalit pakiramdam nila'y nag-iisa sila. Parang mga estranghero- hindi- mas malala sa estranghero bagkus ay mga anino sa dilim.



Only their breathing could be heard. Apart from that, it was deafening silence- chaos amidst serenity.



Ngunit ang katahimikan na iyon ay biglang nawala nang biglang dumaan ang isang napakalamig na hangin na para bang sumasakal sa kanila. Nanikip ang mga dibdib nila at tila ba may ilang libong karayom na tumutusok sa kanilang kaluluwa. Napangiwi sila sa sakit na dulot nito. Para bang nahugot lahat ng lakas sa kanilang katawan at nanlalabo na ang kanilang paningin. They were clasping their chest for air. Hanggang sa nabalot na ito ng kadiliman.



Their other senses have shut down completely but they're still conscious. Despite having no visions at all, they could at least feel the world circling around them.



Hindi nila alam kung ilang segundo o minuto nilang iniinda ang sakit. Until their body ceased to feel anything- like their soul was put to rest.



Sa isang iglap ay wala na silang nararamdamang sakit. Magaan na ang kanilang pakiramdam na para bang naging parte na lamang sila ng hangin.



Dahan-dahan nilang minulat ang kanilang mga mata. Taka nilang nilingon ang paligid nang mapansin nila na wala na sila sa dating kinatatayuan.They were standing in an empty street of Soluna, madilim na ang paligid at wala na sila sa sinanibang mga katawan na mula sa nakaraan.



Si Selene ay si Selene nang muli, ganundin sina Endymion at Aelia.



They looked at each other knowingly. Iisa ang iniisip na tila ba konektado ang kanilang mga utak. Naliwanagan na sila sa mga nangyari. Ngunit may isa pa ring gumugulo sa kanilang isip.

La Cometa 1892Where stories live. Discover now