Chapter 28

63 5 0
                                    

NARAMDAMAN NA AGAD NG APAT na parang may enerhiyang humihila sa kanila pabalik. Sa isang iglap ay natagpuan nila ang isa't isang magkayakap. The warmth, the love, and the care. Iisa lang ang nasa isip nila. Peaceful and hoping it won't end.

"It's over, right?" paniniguradong tanong ni Selene.

They smile at each other. A smile with hope. Napatingin si Selene kay Endymion nang hawakan nito ang kamay niya. Hinila siya nito sa isang mahigpit na yakap.

"Endy . . ."

"I hope we can stay like this forever. You in my arms, it's peaceful." Humagikhik si Endymion, subalit isang luha ang pumatak sa kaniyang mga mata. "It will forever be you even in another lifetime, I'd choose you over . . . and over again, because it is you that I love. It will evermore be, genuinely, profound, innate, my darling."

"I love you," said Selene. "We will meet again."

Unti-unting ang ilang parte nila ay lumiwanag hanggang sa naging talutop ng mga rosas iyong umalis sa kanila. Dahan-dahan, subalit may kasamang lumbay.

"We will," sagot naman ni Endymion.

Sabay naman napatingin ang dalawa kina Aelia at Dyo.

"They will," dagdag pa ng lalaki.

Meanwhile, as Aelia's body was fading in front of her beloved, she smiled in ease seeing how innocent their love bloomed amidst the cruelty. It's unfair how there were only fleeting instances when they were happy. 

"Is this farewell?" tanong ni Aelia.

"No, it's not. I'm gonna find you, I will always find you," sagot naman ni Dyo na pinagmamasdan lamang si Aelia.

Silence was their comfort. Their eyes were enough to show the love they had. Dyo caressed Aelia's face then kissed her gently. A kiss with a thousand words. A kiss that finally said how much he loved her.

"Dyo, this is not a farewell kiss," ngiting sabi ni Aelia, half of her already blanched away.

Aelia ran her way toward her friend and sister, Endymion and Selene. They cherished that moment, that comfy with each other's arms, the warmth, the sensible feeling of freedom and triumph and sadness. Indeed, the work was done. All's well and they were coming to surcease.

Habang magkayakap naman ang tatlo ay naramdaman ni Dyo ang dalawang mga nilalang na nakatitig sa kanila— o sa kaniya. Pinuntahan siya nina Vanessa at Soluna, at kahit hindi man niya kita ay sapat na ang presensya ng dalawang dyosa upang maalintana niyang nasa tabi niya ang mga ito. Hindi man kita ng lalaki ang ngiti ni Vanessa, siya'y nagsukli ng isang tango, na para bang alam niya kung ano na ang sunod na mangyayari.

"Dyo, alam mong darating ang araw na ito. Kailangan mong pumili. Hindi bukas o sa susunod. Ngayon, Dyo," seryosong na sabi ni Vanessa. "Nasa sa iyong ang desisyon, ang sarili mong kapalaran. Napakabusilak na bumukadkad ng iyong puso, at bilang gantimpala, pumili ka."

Hindi nakasagot si Dyo.

"Dyo, anong pipiliin mo? Nais mo bang manatili o maglaho? Manatili at ituloy ang buhay na meron ka, ang karangyaan mo, ang pagiging matagumpay mo? O nais mo bang maglaho't ituloy sa darating na panahon ang naudlot na pagsasama ninyong magkakaibigan . . . sa pangatlong buhay, sa pangatlong pagkakataon, sa pangatlong pagmamahal . . . ?"

Biglang napapikit si Dyo.

Isa lamang ang nais niya.

Ramdam niya na unti-unti na itong mga ito na naglalaho di kalayuan sa kaniya. Kahit ang impit na iyak ni Aelia ay kaniyang naririnig gayundin ang pagpapatahan ni Selene.

La Cometa 1892Where stories live. Discover now