Chapter 14

44 7 0
                                    

THE DAYS PASSED like a blur. Mas gumagaan ang pakiramdam ni Juliette sa presensiya nilang apat. Hindi na rin muling pinilit ni Dyo na ibalik ang bata sa bahay-ampunan, ngunit paminsan-minsa'y hindi niya mapigilang isipin ito. Ang dalagang si Aelia naman'y pinaghihinalaan pa rin si Dyo, kaya lagi niyang binabantayan ang mga kilos ng binata.



Naging payapa ang kabuoan ng Soluna sa mga nakalipas na araw; wala silang nakasalubong na kahit anong kakaiba, at naging tahimik ang bayan. Ngunit nangungulila rin sila sa kanilang mga buhay sa labas—lagi nilang iniisip kung anong bago at kung ano na ang mga pangyayari. Nami-miss ba sila ng mga pamilya't kaibigan nila? Nag-aalala ba sila para sa kanila? Hindi nila mabitawan ang pangamba na baka'y hindi na sila makalabas pa ng Soluna.



"Endy, patapos na ba 'yan?" tanong ni Selene habang isa-isang tinatakpan ang mga bowl na may lamang ulam.



Sinasandok ni Endy ang natitirang sarsa at laman ng Beef Broccoli. "Malapit na," aniya, "Okay ka lang ba d'yan, Juliette? Baka nahihirapan ka na d'yan."



Inaadornohan ng batang dalaga ang isang cake sa lamesa, nakangiti dahil sa kasakdalan ng bawat kudlit ng icing. "Okay lang po, Kuya."



Nagmamadaling punasan ni Selene ang kaniyang mga kamay. "Have everything ready sa likod, I'll fetch Ae," aniya at iniwan ang lamesa na may dalang panyo.



Paakyat si Selene sa hagdan at makikita ang tuwa mula sa kaniyang ngiti. Ilang metrong layo na lang siya mula sa pintuan ng kwarto nang bumukas ito at lumabas ang bagong gising na si Aelia. Sa gulat ni Selene ay ibinuka niya ang kanyang mga braso at paa, tila'y 'di paparaanin ang dalaga; nabigla si Aelia dahil dito at napatalon pa mula sa kaniyang kinatatayuan.



"What are you doing?" Laki-matang tanong ni Aelia habang sinuri ang posisyon ni Selene.



Napagtanto naman ng guro ang ginawa niya at napatawa nalang. "I'm sorry, 'di ko sinadya 'yon." Tumayo siya nang maayos at lumapit kay Aelia.



"Okay, here's the deal: don't move and we're gonna be fine," aniya habang tinatali ang panyo sa ulo ng bagong gising na si Aelia, tinatakpan ang paningin nito.



Marahang tumawa si Aelia, pero nahahalata ang kaba sa tono. "Now what are you doing?"



Matapos niyang masigurado na hindi talaga nakakakita si Aelia, mas lumaki ang kaniyang ngiti. Inalalayan niya ang dalaga sa paglalakad. "Just follow me."



Walang nagawa si Aelia. Mahigpit at may halong pag-iingat ang hawak ni Selene sa braso niya sa pagbaba nila ng hagdanan. Rinig niya ang mga hagikhik ni Selene sa tabi niya, at habang naglalakad ay nakakarinig na rin siya ng hagikhik ng ibang tao.

La Cometa 1892Where stories live. Discover now