Chapter 27

44 6 0
                                    

WHAT HAPPENED HAD BEFALLEN. Sa isang iglap, ang lahat ay muling tumigil. Mula sa mga taong naglalakad, nakaupo— sa kanilang ginagawa— hanggang sa estado ng panahon at kalikasan, tungo sa pagtigil ng kampana sa simbahang noo'y naging lungga ng padreng si Sakarias. Ang ingay ay naging sigaw ng puso ng tatlong dayo na sa kasalukuyan pa nanggaling.



Utik-utik, kanilang mga paa'y lumutang, mga katawan ay umilaw, at kasabay niyon, siya namang pagkalaho ng paligid na parang pinuntahan ng puti. Pabilis nang pabilis. Ang kanilang mga buhok ay tumaas, ang paghangin ay mas nagngalit, at sa di maintindihan na pangyayari, kahit ang lahat ay puraw na puraw, saka naman umikot ang paligid.



It was as if it was a snake who was skinning out. That was how another scene appeared. Slower and slower, it went vivid. To the houses, the crowded people in the market, the radiant light tainted in the sky, and the silhouettes and shadows lurking in the corners.



Doon pa lamang ang mga paa nila ay unti-unting bumaba. Gumagaan, at ang mga katawan ay ang tunay na katawan nila sa kasalukuyan. Hindi na Gabrielito, Armes, o Luna. Mukhang malapit na . . . Malapit na malapit nang matuldukan ang mga dapat noon ay naisaayos na.



"Are we . . . are we winning— is this going to an end?" naiiyak na wika ni Selene habang nanghihinang nakahawak sa kamay ni Endymion.



Lumingon sa kaniya ang binata at umiling. "One thing's for sure," then he looked somewhere where the two followed his direction, "he's gonna taste how it felt to be hated . . . to be judged."



With a cloak to hide himself although torn and holed on many spots, the bruised and wounded man bobbled everywhere as he proceeded to walk, then he looked down as if he was defeated. No pair of shoes, his tanned skin in dust and dirt was seen filthy like his secrets, like the deeds he had done. He who had sinned, a fixed holy kind who had his horn cut for his disguise of deceits and lies.



Sakarias Adlawan.



"Mga lapastangan! Ang mga mapanghusgang mata'y nararapat mahulog sa karit-an! Kayong lahat ay magsisi sa inyong mga kasalanan! Magpakumbaba kayo! Huwag kayong maging makamundo!" nanginginig na sigaw ng padre nang napansin ang mga pares ng mata'y nakatutok sa kaniya. Sinubukan pa nitong bilisan ang paggapang sa lupa papalayo ngunit siya'y naunahan na ng kaninang mga tagasunod nito.



"Huwag ninyong hayaang makatakas ang matandang iyan," nagngangalit na wika ng isang lalaki habang nakaturo ang isang daliri sa padre.



Kaagad na napasigaw sa takot ang matanda nang hawakan siya ng mga tagasunod sa dalawang kamay at paa upang mapigilan sa binabalak na pagtakas. Nahulog ang telang nakatalukbong sa ulo ng lalaki kaya naman nakita nila ang hitsura nito.



Samantala, ang tatlong mga dayo ay kinamumuhian siya kung pakatitigan.

La Cometa 1892Where stories live. Discover now