Chapter 23

41 6 0
                                    

SOLUNA, 1892

NANG MAGPANAGPO ang landas nina Endymion at Gabrielito, isang bagay ang sumagi sa isip ng lalaki. Ang pagkakahawig ng mga mata nilang mapusyaw, malalim na nakakalunod sa kabila ng pagkakaiba sa kulay. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay napalapit siya rito, nag-aagaw-hininga siya't habol-habol ang bawat pintig ng puso. Tila kakaiba ang dala ng pagkikita nilang iyon sa mansyon ng mga Castaneda.


Sa pagtititigan habang unti-unting naglalapit, kitang-kita ni Endymion ang kaibahan nilang dalawa. Mas maginoo't kagalang-galang ang nakaraang buhay niyang wari ba'y lakandiwa kaysa kaniya sa kasalukuyan. Subalit hindi nito mababago ang maraming katanungan . . . Na parang gusto na niyang tuldukan pa ang lahat.


Kaya sa paglapat ng mga daliri nila, sa pagbuga ng liwanag nang maramdaman nila ang mainit na balat ng bawat isa, parehas na nabubuhay sa magkabilang panahon, animo ba ay nag-iba ang ihip ng lahat. Nagsimula sa puno't dulo.


Si Endymion at si Gabrielito.


Si Gabrielito at si Endymion.


Nasa iisang katawan.


Nasa iisang panahon na.


Nasa iisang diwa at pag-iisip.


Subalit hindi na lamang ito kwento ni Endymion o Gabrielito. Bagkus ay kasama na sina Luna at Armes. Bagkus ay kwento nilang tatlo kasama ang mula sa angkan ni Dyo— si Leandro at ang kagalang-galang na kapatid nitong si Haze. Mayroon nang pagbabago. Mayroon nang matinding ugnayan ang lahat.


Hindi malaman ni Gabrielito ang nararapat na aksyon na kaniyang dapat na gawin sa tuwing nagkakatamaan ang tingin niya at ni Luna. Alam niya ang kasalanang nagawa, kung tutuusin, ang sakit na ibinigay niya sa babaeng minamahal ay higit sa lahat ng sakit na kaniyang naranasan. Ang bawat luhang umaagos sa pisngi ng dalaga ay tila mga punyal na dumiriin sa kaniyang puso.


"Sa dinarami-rami ng mga taong inisip kong papatay sa aking Ama'y hindi ka man lang sumagi sa isip ko, Gabrielito! Ikaw lang? Ikaw lang pala ang ugat ng lahat ng ito?!" sigaw ng dalaga, patuloy ang iyak nito. Hindi mapawi-pawi ang galit na pinapakita ng mga matang nakatitig kay Gabrielito.


"Anong dahilan? Anong dahilan kung bakit mo ito nagawa! Sabihin mo! Parang awa mo na, Gabrielito. Patahimikin mo ang isip ko." Nanlalambot na napaupo si Luna habang sapu-sapo ang kaniyang mukha, patuloy ang iyak nito na tila hindi pa makapaniwala sa mga nalaman.


Marahang lumapit si Gabrielito at lumuhod. Kinuha niya ang kamay nito at paulit-ulit na hinalikan na pawang mapapawi nito ang lahat ng kaniyang ginawa. Sa loob-loob niya'y wala nang pag-asa pang maayos silang dalawa, ngunit hindi siya susuko hangga't sa tingin niya ay maaari pang maisalba ang kanilang pag-iibigan.


"Patawarin mo ako, mahal ko. Hindi ko sinasadya." Kasabay nito ang hikbing kanina pa niyang pinipigilan.
Dahil kung may iba pang paraan . . . kung sana mas nag-isip pa siya, hindi sana hahantong ang lahat ng ito sa ganito. Maililigtas pa niya sana ang babaeng pinakamamahal.


Dumating ang araw kung saan ipapataw na ang hatol sa magkapatid na Armes at Luna. Sa pampublikong lugar kung saan naroon ang maraming tao na tila ay uhaw sa eksenang kahahantungan ng dalawang dalaga ito gaganapin. Ang bawat sigaw at pang-aakusa, at ang mga salitang binibitawan ng mga ito ay halos hindi na maintindihan nina Armes at Luna.


Kailanman ay hindi nila naisip na hahantong ang lahat ng pinaghirapan ng kanilang ama at ina sa mapait na pagtatapos. Kamatayan lamang ba ang sagot sa lahat ng kasalanang animo'y kanilang ginawa? Ang kanilang ama at ina, bakit kailangang ganoon ang mangyari sa kanila?


La Cometa 1892Where stories live. Discover now