Chapter 9

54 8 0
                                    


 MAHINANG MGA BULUNGAN. Mahinang pagtapik. Pagtulo ng nanlalamig na pawis. Salubong na mga kilay. Dahan-dahang pagdilat. Nanlalabong mga mata. Namiminging tainga. Pakiramdam ay tila nilabasan ng kaluluwa at muling nanumbalik nang magising.



"Gising na yata siya..."



"Miss? Naririnig mo ba kami?"



  Nang dahan-dahan bumangon si Aelia, naaninag niya ang iilang mga bulto ngunit hindi niya matukoy kung sino ang mga ito. Napapikit pa siyang muli, nagbabakasakaling manumbalik kaagad ang linaw ng paningin.



  "Ayos ka lang ba, miss?" Tinitigang maigi ni Aelia ang mukha ng lalaking ngayon lamang nadapuan ng kanyang mata. Nanunuyo ang kanyang lalamunan sa hindi malamang dahilan kaya naman hindi makatakas ang iilang salitang nais niyang banggitin.



"Nakita na lang naming nakahandusay ka riyan at walang malay," usal pa ng lalaki.



Napakurap lamang siya at pilit inalala kung bakit nga ba siya naroon.



"Mayroon pang natagpuan ang iba kong mga kasama, isa pang babae. Magkasama ba kayo?" tanong pa nito.



"W-Where is sh—"



"Aelia!" Lilingon pa lang sana si Aelia sa kung kaninong boses nanggaling iyon nang mayroong humawak sa kaniyang dalawang kamay. Bumungad sa kaniya ang nababahalang mukha ni Selene.



"S-Selene..."



"Are you alright?" tanong nito na kaagad namang tinanguan ni Aelia. Tinanong din niya ito na kaagad namang sumagot.



"Yes! I don't know what happened, Aelia. Nagising na lang ako nang marinig ko ang boses nila." Nilingong bahagya ni Selene ang grupo ng mga lalaki na siyang nag-uusap din. 



"Ang naaalala ko lang ay ang pagsunod natin kay Endy. Wait, speaking of Endy and Dyo. Where are they?"



"May iba pa kayong mga kasama?" singit ng lalaki sa bulungan nilang dalawa.



  Si Selene ang sumagot para rito at sinabing may kasama pa nga sila. Tumayo naman si Aelia at nagpagpag ng likurang bahagi bago ilibot ang paningin sa kapaligiran. Inisip niya kung bakit nga ba sila napadpad sa lugar na iyon at nagkahiwa-hiwalay.

La Cometa 1892Where stories live. Discover now