Chapter 3

86 10 1
                                    

WALANG IBANG MARIRINIG sa loob ng bahay kung hindi ang pag-agos ng tubig na nagmumula sa gripo. Ang mga baso't kutsarang nagtutunugan habang hinuhugasan ang tanging bumabasag sa tahimik na bahay ni Dyo Caster. Iilan lamang ang mga tunog na maririnig sa loob ng bahay. Minsan ay nagmumula pa sa labas ng tirahan ang iba pang mga kaluskos o huni. Mamahalin at babasagin ang ilan sa mga interior designs. Ang mga muwebles ay tila inungkat pa sa ibang bansa dahil sa kahanga-hangang ukit nito. Kung tititigan siguro ang bahay sa labas ay maaari na itong tawaging mansion. Truly, the man who found them has been earning a lot by working hard. He seemed to be that person who is career-oriented.


Matapos ang nangyari kahapon, halatang may ilangan pa rin sa apat na indibidwal. Halata rin naman ang pagmamadali ni Aelia sa paghuhugas. Mahinhin itong gumalaw ngunit nakikitaan ito ng pagkakataranta. Nang matapos na rin silang maglinis ay dali-daling umakyat ang apat at nag-ayos.


"Um, I'm ready." Pagbasag ni Selene sa katahimikan. Nasa labas na sila ng bahay at totoo ngang malaki ito higit pa sa inaasahan nila. Hindi na nila pinansin iyon kahapon dala na rin ng pagkakalito at takot. Everyone was clad in a comfortable outfit especially the shoes. No one wanted to walk around the town knowing that there are 'cursed' people according to the hospitable man.


Napatingin si Dyo sa kanyang relo. 3:30 PM. Inaantay na lang nila si Aelia. Habang naghihintay ang tatlo ay dali-dali naman ang paglabas ni Aelia sa kwarto pababa ng hagdan. Dire-diretso na si Aelia sa paglabas. Namumula ang mukha nito dahil siya na lamang ang hinihintay. She doesn't want anyone waiting or even moving late. Papalabas na sana siya nang maulinagan ang nakasabit na calendar sa dingding. The calendar was crumpled and old. It was yellowish-brown and had ripped-off sides. The numbers, letters, and even the symbols gleamed in gold. Ngunit napansin niya ang kaisa-isahang nakahighlight dito.


November 16. Full moon.


Napaisip si Aelia kung birthday ba ito ni Dyo dahil sa nakahighlight pa ito. The highlighted day was hit by the swinging chandelier light. Napansin niya na kakaiba ang pagkakagawa ng simbolong buwan. The deep red moon was adorned with crystals and complicated swirls. Bago pa mabuksan ni Aelia ang pinto ay naunahan na siya ni Endy.


"Come on, Ae. Alis na tayo ngayon para hindi tayo masyadong gabihin." pag-aya ni Endy. Sumunod na si Aelia at dali-dali silang lumabas.


"Maglalakad lang tayo since malapit lang ang hinahanap n'yo rito," tipid na saad ni Dyo. Matapos ang ilang minuto ay nakarating na rin sila. Isang pinaglumaang mansion.


"This is the Castañeda Mansion. Maaari ninyong mahanap ang sagot dito." Tinitigan nila ang mansion. It was almost in rack and ruin. May parte kung saan may sira na ito. Pero kung tititigan at iisiping mabuti, isa itong napakagandang mansion. One can imagine how expensive this was like the person passed by. Warm golden lights, stretched garden, dancing ladies, delectable foods, and higher society discussing politics, religion, and economics. Ngayon ay napaglumaan na talaga sa tagal ng panahon.

"Sir, ano ho ang ipinunta n'yo rito?" Napalingon ang apat sa matandang nagtanong. Banayad itong nakangiti sa kanila. 


"Manong, kumusta ho? Gusto po sana naming pumasok sa mansion." Paalam ni Dyo. 


Pinagmasdan ng matanda ang tatlo pa nitong kasama at pinapasok. Ito pala ang caretaker ng Castañeda Mansion.


This was the first mansion that had an archway leading to the huge entrance. Engraved on a stone arch was a Latin translation of Castañeda mansion. Nilulumot, pinapalibutan ng baging, at nangingitim. Agad na ipinwesto ni Endy ang camera sa harap niya at kinuhanan ng litrato. Si Aelia naman ay 'di na nag-atubili pang pumasok. Ito naman talaga ang pinunta nila sa Soluna.


La Cometa 1892Where stories live. Discover now