Chapter 10

59 10 0
                                    

  


KATAHIMIKAN SA GITNA ng papailalim na gabi. Hindi na mabilang kung ilang beses na umikot ang mga kamay ng orasan, ni kahit paglubog ng araw at pagkawala ng liwanag ay hindi na nagawa pang mapansin. Sila'y tila hindi umuusad sa kasagutang pilit na hinahanap sa mga rita-ritasong impormasyong hindi mapagdugtong.



   Ang bagabag ng mga salitang binitawan ni Emilio ay isang sirang plaka na pilit na nagbabalik-balik sa kanilang isipan, ngunit sadya atang pinagkakaitan sila ng pagkakataon dahil sa walang makuhang kahit ano na maaring makatulong sa kanilang problema.



  Ang binatang si Endy ay abala sa pagbabasa ng bawat detalye, kung may pagkakataon ay sisingit si Aelia upang ibahagi ang kaniyang naiisip. Minsan ng muntik magtagpo ang kanilang realisasyon ngunit natatapos lang din ito sa isa pang putol na impormasyon kaya uulit na naman sila sa umpisa. Samantala, tahimik na nakikinig lamang ang dalawa pang naroroon. Bagkos tahimik at walang pakialam ang isa pang binata, halata at kitang-kita pa rin ang epekto ng nangyari sa kanila sa mukha ng dalagang si Selene.



  Ganoon na lamang ang bilis ng pagtakbo ni Selene palapit sa bintana ng marinig ang isang malakas na sigaw na malapit lamang sa kanila. Takbo rito, takbo roon. Sigaw ng mga humihingi ng tulong. Iyak ng pagmamakaawa at pagsusumamo. Nagsisimula na.



"Don't mind it, do what you must," kalmado't hindi alintana ang nangyayaring gulo sa labas, tumayo si Dyo at lumapit kay Endy at Ae.



"Kakaunti na lang ang natitira nating oras, malapit na itong magsimula," dugtong nito. Sumunod si Selene upang masilayan ng mabuti ang mga papel na nakakalat sa ibabaw ng lamesa.



"Anong ibig mong sabihin, Dyo?" tanong ni Ae.



  Saglit na tinapunan ni Dyo ng tingin si Ae bago sumagot, "If you want an answers, you better start looking for it, right?"



"We don't have any choice kung hindi bumalik sa mga mansion," si Endy.



"Sigurado ka ba riyan? Sinubukan naman na natin at may nakuha naman na tayo," sagot ni Ae.



"Wala naman tayong ibang mapagkukuhanan ng iba pang impormasyon bukod sa mga lugar na iyon. Paano na lang kung may nakaligtaan pala tayo? Hindi napansin?"



"Pero paano kung ito na pala lahat 'yon? Baka hanggang dito na lang talaga ang mga impormasyon, Endymion," sabat ni Selene.



"Pero paano kung hindi? Hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan ulit. Hindi tayo pwedeng tumigil na lang dito,"

La Cometa 1892Where stories live. Discover now