Chapter XXIII

40 9 43
                                    

Chapter XXIII: Avyri

***

Cleaning up the mess I cause the last week was easy but I don't know what Ledger thinks of me as of now. He's not texting me. It's not that it bothers me... It's just odd? Hindi siya pumasok ngayong umaga at wala akong mapagtanungan kung nasaan siya. Baka hindi lang talaga sapat ang isang linggo na break sa kaniya.

I rolled my eyes when I glanced at the arts center. Hindi ko pa rin alam kung kaninong tauhan ang humabol sa amin no'ng gabi na 'yon. Ngunit may isang bagay ang sigurado ako, nagdududa na sa akin si Ledger.

Napahinto ako sa paglalakad nang makita si Ares na nakasandal sa tabi ng hagdan. Napapansin kong epektibo ang ginawa ko kina Giselle at Maveys dahil hindi na nila ginugulo si Ares.

"Quila Bonavich!" Someone cited, screaming.

Lumingon ako sa kabilang building namin. A familiar girl was waving her hands at me. Agad siyang tumakbo palapit sa akin. Siya ata yung kaaway dati ni Ledger noong nasa library kami. Anong kailangan niya?

"Hi... Quila." She said, panting.

"What?' I asked.

"Alam kong close kayo ni Ledger." Sambit niya habang hindi mapakali sa paligid.

"Maybe."

"It's not a question, you know?" pagsusungit niya pa sa akin. "I can't contact him. Alam mo ba kung nasaan siya now? We need to talk about something so important."

Malinaw naman pala siyang kausap. Umiling ako.

"Hindi rin siya nagmessage sa akin," paliwanag ko.

"Okay, in case makita or alam mo kung nasaan siya don't hesitate to contact me. I need to clear things with him. He is in a tough situation now." Mahabang sambit niya bago ako talikuran.

Dahil sa sinabi niya ay nagkaroon ako ng interes upang malaman ang ibig niyang sabihin.

"What happened to him?" I asked when I pulled her arm.

Huminga siya nang malalim bago tignan ang phone niya. She scrolled then typed something before handing it to me. It's an announcement from the same page name that Nisha told me before.

"There is a currently circulating story that the only grandson of Mr. Alderidge is studying at Alderidge University. Hence, why does the committee hide his identity?" Sabi ni Blaine.

"You're telling me his secret," I commented. Binawi niya 'yong phone na hawak saka ako tinignan. Kung hindi ako nagkakamali ay tungkol dito rin sila nag-away.

"Well, alam mo na kaya hindi na 'yun secret." She made a point. I kinda like her.

I nodded as an answer. Umalis na rin siya. Muli akong lumingon kay Ares dahil naramdaman ko ang kaniyang pagtitig. Hindi na ako nagdalawang isip para lapitan siya. Mabuti na lamang at hindi niya ako iniwasan.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy. Ares, may gusto kang sabihin." Seryosong sambit ko pagkatapat sa kinatatayuan niya.

"Saan mo gustong magsimula? Dito na ba tayo mag-uusap?" Tanong niya habang lumilingon sa paligid.

"Sino ka ba talaga?" I can't help but to ask.

"Nung gabing nakita mo ako sa kasiyahan na naganap... ako ang nagpanggap na ikaw, Avyri." She explained in whisper.

Napakurap ako nang ilang beses dahil sa sinabi niya. Siya? Anong meron na ugnayan sa kanila ni Miss Quilliana?

"Miyembro ka ng organisasyon nila Miss Quilliana?" Direktang tanong ko. Masyado na siyang maraming nalalaman. Pati na rin ang ginagampanan. Sino ka ba Ares?

Extinction: The Curse Of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon