Chapter IX

191 58 134
                                    

Chapter IX: Reckless

***

Why would I let someone decide how far I can go just to reach this goal?  In case he will interrupt me, I will not hesitate to kill him. Tinitigan ko ang paghakbang niya patalikod.

"You can't lie." He added, grinning.

"Anong kailangan mo?"

"Nothing in particular. I'm just a bit curious. You're a reckless... vampire." Binulong lang nito ang huling salita.

May ilan din kasing estudyante ang nasa labas ng paaralan. I stared at him. Hindi ko talaga siya kilala. Hindi ko rin matandaan kung nagkita na ba kami dati para malaman niyang bampira ako. But what caught me was his eyes. Gano'n rin ang kulay ng mga mata ko kapag hindi ako nakasuot ng contact lenses. I tried to sniff his blood to make sure. So, he is a vampire then.

"Kung gano'n. Huwag mo ng balakin na pakielaman ako." I answered. Nilagpasan ko siya. Wala akong oras para sa katulad niya.

"Are you not under VMC?"

Huminto ako sa tanong niya. I turned around to examine him. His brunette hair has a slight curl at the edges that covers his brows. His gazes were cold that matches his eyes' amber shape and color. The ebony underneath his eyes was also obvious. He was standing confidently while his hands were in his pocket.

"Anong alam mo sa VMC?" I asked.

He shrugged. Ako naman ngayon ang nilagpasan niya. Kung ang akala niya ay epektibo ang ganiyang taktika sa 'kin, nagkakamali siya.

Humiwalay ako ng dinaanan. Babalik ako sa disciplinary office para mahinto na ang kaguluhang nasangkutan ko. Una pa lang malakas na ang kutob ko na ang dalawang binanggit niya ang may pakana ng lahat. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa nilang mandamay ng iba kung ako naman ang gusto nilang ipahamak. 

Pagkarating ko sa opisina ay mukhang ako na lang ang hinihintay nila. Nakatingin lang sa lapag si Ares habang taas noo ang dalawang babae na walang magawang matino sa buhay.

"Take your sit, Miss Bonavich."

Sinunod ko ang sinabi niya. Umupo ako sa nag-iisang upuan na pinapalibutan nilang lima. Nakaharap ako sa lalakeng may kaunting kulubot sa mukha na siyang nag-utos upang umupo ako.

"Kasali ka ba sa isang pinagbabawal na samahan dito sa paaralan?" Unang tanong niya.

"No," I answered.

"Ikaw ba ang may gawa ng mga pasa ni Miss Vega?"

"No."

"Ikaw ba ang nag-utos para ipabugbug siya?"

"No."

"Liar!" Sigaw ng isa sa kanila.

"Quiet, Miss Cabbot. Mind your manners," suway ng matanda sa kaniya.

Muling nagkaroon ng katahimikan sa paligid. Dumaplis ang mata ko sa babaeng sumigaw kanina. Pinaupo nila ako sa kabilang pwesto at nagsimulang kausapin naman si Ares.

"Miss Ares Vega, huwag kang matakot na magsabi ng totoo dahil hindi namin hinahayaan na may mangyaring karahasan sa aming mga estudyante."

"O-opo," she answered, stuttering in fear.

Extinction: The Curse Of TimeOnde as histórias ganham vida. Descobre agora