Chapter XVII

260 55 105
                                    

Chapter XVII: The Lowell

***

We both have something to say to each other and I let her explain first. Ang sabi niya ay kailangan ko ng proteksyon mula sa kanila. I definitely argue with her. I can protect myself. Hindi niya rin sinabi sa 'kin ang buong plano ng organization niya. Depensa niya ay isang pribadong organisasyon ang meron sila na pahirapan ang pagpasok. Unless, they want something from you.

"Ang akala mo ba hindi ko napansin ang ilang bahid ng dugo sa sahig kung saan kami sumayaw?" Kalmadong tanong ko sa kaniya.

Ngayon ko lang siya nakausap tungkol dito dahil wala siya sa bahay paggising ko. At ayoko ng patagalin pa ang malaking katanungan sa isipan ko.

"I know you will notice that. Dugo 'yon ng pumalit sa pwesto mo," Miss Quilliana answered.

Napatayo ako sa sinabi niya. Huminto rin siya sa pag-inom ng tsaa at tinapunan ako ng tingin.

"What?! 'Yong kaparehas ko ng damit? Why? How?" Hindi ko alam kung paano ko na itatanong ang mga gusto kong malaman.

I was so shock. Oo, alam kong may gano'n na nangyari pero hindi ko alam na galing pala 'yon sa babaeng kapareha ko ng suot.

"Don't worry, she's fine. She's well prepared when she signed the contract." Sagot niya at itinuloy ang pag-inom sa tsaa.

"Pwede namang ako na lang. Alam mong kaya kong pagalingin ang sarili ko."

"Calm down. Umupo ka nga," utos niya sa 'kin. "It was just a pact. They need human blood to sign the contract para maging valid. Hindi nila siya sinaksak o kung ano man ang iniisip mo." She explained.

Gumaan naman ang pakiramdam ko dahil nagsasabi siya ng totoo. I sat down.

"Okay fine. But do you already know the intruder who attempted to take my life?"

"Akala ko nung una nasa loob na ang mga 'yon. Wala kasi akong tiwala sa security dahil na rin sa mga natanggap kong reports. Pero mali ako, I just sent you to a more dangerous place where he wants to see you. Hindi ko maikakailang magaling ang ginawa niyang taktika."

"Pero mas magaling ako," sumbat ko. I also crossed my arms and smiled.

"No, you almost got caught by Ledger dahil sa bilis ng reflexes mo!"

Alam ko kung sino na naman ang nagsabi no'n kay Miss Quilliana— si Nisha. Sino pa ba ang ibang magsusumbong sa akin kung hindi isa sa kanila?

"Almost," I quoted. "May I ask something?" Gusto ko lang talaga na malaman pa ang isang bagay.

"As long as I can answer it. Go on," pagpayag niya.

"How well do you know Ledger?"

"I know what he wants." Sagot lamang niya.

"What?"

Hindi ito ang inaasahan kong sagot mula sa kaniya. Parehas na lang sila palagi ni Nisha. Minsan naiisip ko kung anak ba niya siya.

"So you want to tell me something? Good news, right?" Panguna niya.

"Really?"

"You messaged me. Nakalimutan mo? Akala ko ba matalas ang memorya niyo?"

"The Headmaster, Mr. Lincoln Lowell wants me to join him for dinner, 6pm at his house." Maayos na sagot ko. Sana naman ay pati sila.

Her mouth formed an 'o' while her eyes were twinkling.

"Ang ibig mong sabihin makakarating na tayo sa pangalawang hakbang ng plano?" Ulit niya habang nakangiti.

"Maybe? Tungkol daw sa VMC."

Extinction: The Curse Of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon