Chapter IV

231 68 168
                                    

Chapter IV: Her name is Quila

***

How can a rule be that harsh? Kahit ba gamitin mo ang kapangyarihan na 'yon para iligtas ang sarili mo ay ganon pa rin ang mangyayari sayo? Mamamatay ka? How can they be this inconsiderate?! Paano ko maililigtas ang kapatid ko kung mamamatay na ako, diba? Mas maganda pang bumalik na lang do'n at huwag ng tumakas pa.

Napahinto ako sa pag-iisip nang biglang tumikhim si Miss Quilliana na nasa harap ko. Muntik ko ng makalimutan na nandito pala ako sa harap niya.

"Baka mabasag mo 'yang baso, mahal pa naman ang bili ko jan." Kumento nito sabay nguso sa hawak kong baso.

Hindi ko raw muna pwedeng bisitahin si Assie. 'Yun ang sabi ni Miss Quilliana. Sasabihan na lang niya ako kung kailan pwede pumunta sa lugar kung saan nila nilagay ang abo niya.

"Paano kung bumalik na lang ako—" hindi pa man ako tapos sa sasabihin ko ay tinignan na niya ako nang masama.

"Nakalimutan mo bang may nagsakripisiyo ng buhay para makalabas ka?" Huminto siya at tinitigan ako nang mabuti sa mata. "Tapos babalik ka?" Seryosong dagdag niya.

"Pero ang kapatid ko," nag-aalinlangan na sagot ko.

"Edi ilabas mo siya," she shrugged. "You know what, swerte ka dahil ikaw ang nakalabas mula dun. Kaya gawin mo ang makakaya mo para makalabas din ang kapatid mo."

"Sana nga siya na lang," I murmured.

"Stop thinking negatively. Isang buwan na ang nakalipas. Kailangan mo nang mag-isip ng paraan para mailabas siya dun."

"Pero hindi ko alam kung paano."

Malalim ang paghinga nito bago ituon ang atensyon sa akin.

"Just follow my instructions because I have a plan."

Nakatitig lang ako sa kape na nasa harapan ko. Pagkakatiwalaan ko ba siya dahil niligtas niya ako? O may gusto lang siya kaya niya ako iniligtas? Argh. Ang gusto ko lang naman ngayon ay mailabas ang kapatid ko sa kulungan na 'yon. Isama mo na rin ang maibagsak ang halimaw mula sa kinatatayuan niya. Mariin akong pumikit. Umayos ka, Avyri. Isang buwan na ang sinayang mo. Naghihintay pa sayo ang kapatid mo.

Makakapaghintay pa kaya sa 'kin si Ate? Alam ko naman na may tiwala siya sa 'kin kaya hindi ko 'yon sasayangin. Ako ang nakalabas, gagawin ko ang responsibilidad ko. Ayokong mapako ang pangako ko na tulad sa babaeng 'yon.

"First step, we need to change you. Ikaw mismo," pauna niya.

First step na naman? Hindi ata kami makaalis sa step na 'yon, ha?

Lumapit siya sa akin. Hinawakan ang mahabang buhok ko na agad ko namang binawi sa kamay niya. Alam ko kung anong gusto niyang iparating. Nag-aalinlangan pa rin ako. Bakit kailangan namin siyang kunin sa mabuting paraan kung maari naman sa sapilitan? Pwede niya akong bigyan ng isang batalyon upang sugurin ang bahay ng halimaw na 'yon. Hindi na ako nagsayang ng oras.

"Violence is never an answer."

Napatigil ako. Hindi talaga tatantanan ni Assie ang isip ko. Hanggang ngayon ay gusto niyang makipagtalo sa 'kin.

"Trust me. Kahit ang sarili mong tatay hindi ka makikilala," may kumpyansa niyang sinabi.

I can't help but to roll my eyes.

"Wala akong tatay," I reminded her.

"Fine, whatever you say," she said, shrugging.

She looked at her wrist watch. Tinawag naman niya ang isang babae na nakauniporme. Siya 'yong kasama niya kanina— si Nisha. Nakatayo siya sa may counter kasama pa ang isang babae na may kapareha niya ng suot.

Extinction: The Curse Of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon