Chapter XVI

204 56 89
                                    

Chapter XVI: Organization

***

I just want a normal life for my sister and me. I know it is absurd and it will never happen because even we... are not normal creatures. Pero masama bang hangarin ang gano'n na bagay? I don't need human applause. Ang kapatid ko lang ang kailangan ko. Hindi ko na kailangan ang ibang tao.

Nabalik ang pag-iisip ko nang kalabitin ako ni Miss Quilliana. We are in a middle of a conversation together with the member of their so-called organization. Halos lahat nga ng mga sinulat na sagot sa mga tanong ni Miss Quilliana sa binigay niya ay nagamit ko. Maingat ako sa bawat sagot sa kanila. She trained me.

"Yes, my sister stayed there with our aunt." Sagot ko sa huling tanong nila.

Hindi ko na nakita pa ulit si Ares. Anong ginagawa niya rito? Hindi man lang ako nakadalaw ulit sa kaniya. Magaling na pala siya.

"Siguro miss mo na rito kaya ka umuwi," the middle-aged woman added.

"Of course and aside from that, I want to graduate here. I also have plenty to commit especially to mom's business," I answered.

"I heard you're attending one of the most prestigious universities in the city. Alderidge University? If I'm not mistaken. That's a great university para grumaduate."

I chuckled a little. Kunwari nahihiya ako. Nakalagay din kasi 'yon sa script na bigay ni Miss Quilliana. Ewan ko ba, sinunod ko na lang. 

"I can't believe it either. Maybe I was just lucky." May kapit lang talaga ako.

"Matatalino ang mga nando'n. Sigurado naman akong matalino ka," the guy in his thirties complemented. 

Oh no, you're wrong. Masyado ka namang umasa ng gano'n sa 'kin.

"Pupunta muna kami sa kabilang table," singit naman ni Miss Quilliana. "Babalik ako mamaya," paalam niya.

Mabuti na lang at inilayo niya ako do'n. Baka mawalan pa ako ng pasensya sa rami ng tanong nila. Maski napakaliit na tanong ay gusto nilang malaman mismo sa 'kin. May duda ba sila kay Miss Quilliana?

"You stay with Ledger. Kakausapin ko lang 'yong iba pang bisita," she said. Naglalakad kami ngayon papunta sa gitna.

"Nandito siya?" Tanong ko naman.

"Yes. Nanjan lang siya sa gilid. Hanapin mo na muna. May pinagawa kasi ako kay Nisha."

"Bakit?"

"Just stay with him, okay?" Paninigurado niya.

Mukha siyang hindi mapakali kaya um-oo na lang ako. She walk away. Hinanap ko naman kung nasan si Ledger. Nasa gilid lang daw. Saan bang gilid? Hindi niya sinabi kung anong eksakto na lugar ko siya makikita. Porket malinaw ang paningin ko, gano'n na siya magbigay ng impormasyon? Tsaka pwede rin na siya na lang ang humanap sa 'kin. Bakit kailangang ako pa? Bahala sila.

I was about to walk near the beverages when the lights suddenly went off. Napahinto ako hindi dahil sa hindi ko makita ang paligid kundi may ilang papalapit sa 'kin. Nakita ko rin ang hindi pagkagulat sa mga bisita kaya nanatili akong kalmado. Ang ilan din sa kanila ay humakbang patalikod na tila'y nilalayuan ako sa kinatatayuan ko.

Sa sobrang bilis ng pangyayari ay may narinig akong musika. Humakbang din ang ilan na nakamaskara upang punuin ang espasyo na binigay sa akin ng mga tao. May lalake at babae na nakamaskara. Ang mga lalake ay nakasuot ng kulay itim samantalang ang mga babae naman ay kulay pulang dress na sakto ang haba para makita ang kumikinang nilang high-heels.

Sumasabay sila sa indak ng musika habang pinapalibutan ako sa gitna. I was so confused. Baka sila lang dapat ang nandito? Maybe they will show me a surprise performance and I wasn't supposed to be here. But seriously?! They're not letting me!

Extinction: The Curse Of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon