Chapter XXV

24 4 14
                                    

Chapter XXV: Glimpse

***

It has been a while since I moved to headquarters, and I have discovered a couple of mysteries I cannot uncover when I'm with Miss Quilliana. Isa na doon ang tungkol sa kung sino ang nag-utos upang bisitahin ako sa naganap na halloween. Pati na rin ang mga nanghimasok nang ipagdiwang namin ang nasabing kaarawan ko. Hindi ko inaasahan na iisa at siya ang may kagagawan ng nangyari.

Narito kami ngayon sa pamamahay ng taong 'yun. Ang isa sa mga miyembro ng organisasyon ni Miss Quilliana— the middle-aged woman who asked me questions that day, Lora Miranda. May mga gusto rin akong itanong sa kaniya.

"Patay na lahat ng mga bantay sa paligid. Pwede ka ng pumasok," saad sa akin ni Kaylee.

Throughout the VMC's missions, Kaylee has been my partner. Frankly, we're a group of three— Moria was one of us. Wala nga lang siya ngayon dahil pinatawag na naman. Mas nauna rin silang nagkakilala ni Kaylee.

Tumango lang ako sa kaniya bago mabilis na pinasok ang kwartong tinutulugan ni Lora. Ang misyon namin ngayon ay hanapin ang grupo ng mga tulisan na nakielam sa importanteng transaksyong naganap nung nakaraang linggo. Kailangan naming bawiin ang mga produktong panustos para samin na mga bampira. At kami ang nakaatas para dun.

Habang nag-iimbestiga ay tinuturong salarin si Lora Miranda. Nalaman ko rin ang iba pa niyang kagagawan ng magsalita ang ilan sa knaiyang tauhan.

Nang mabuksan ko ang pintuan ay tumambad sa akin ang nakatalikod na tila'y kanina pa naghihintay ng magiging bisita niya sa gabing ito.

"Mahusay, nalaman niyo rin sa wakas ang tinitirahan ko." Kumento niya na may halong ngisi sa kaniyang boses.

Agad akong lumapit sa kaniya. Umupo ako sa tapat ng bintanang kaharap niya. Nang makita ko ang gulat sa kaniyang mata ay agad akong napangisi.

"It's been a while," I greeted.

"Tama nga ang hinala ko tungkol sayo. Hindi ka tao," she replied. Huminga siya nang malalim bago higupin ang pulang likido na nasa elegante niyang baso. "Noong hindi na bumalik ang tauhan kong sinundan ka ay kumpirmado ko na."

"Well done," I complemented. Hinayaan kong makita niya ang buong mukha ko dahil sa liwanag ng buwan mula sa labas. Ang itsurang gusto niyang masaksihan.

Madilim ang kwarto niya na animo'y handa sa kapalaran na naghihintay sa knaiya.

"Hindi ko alam kung kailangan ko pa bang sabihin sayo ang lahat o hahayaan kong alamin mo na lamang ang buong katotohanan." Sambit niya bago tumayo at naglakad papalapit sa akin.

"Nasasayo ang desisyon. Sa huli, mawawala ka na rin naman sa mundo." Mahinahong sagot ko sa kaniya.

How can Miss Quilliana let this woman in her organization?

"Where should I start?"

"I don't have enough time."

"Masyado ka namang nagmamadali. Simulan natin sa organisasyong kumupkop sayo. Grave Diggers Organization was established when a woman turned into a half-ling by vampires," she began. "Sa kagustuhan niyang maghiganti dahil sa ginawa sa kaniya ng mga bampira ay nakipagkasunduan siya sa gobyerno. At first they think she was insane pero nang may ebidensya siyang ipinakita ay nanaiwala sila sa kaniya. They started to annihilate the vampires."

"So, you're telling me that your organisasyon is to kill all vampires?" Kumunot ang noo ko. Sa pagkakaalam ko ay hindi iyon ang kasunduan nila.

"Shhh. Hindi pa naman ako tapos sa pagkukwneto," she cut me off. "It was successful for a couple of years, but it ceased when the council of vampires tried to negotiate with them. Mahusay sila dahil hanggang ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang ugnayan nila. They exchange golds and bloods, nakikipagsalamuha, maayos na relasyon at ginagawang eksperimento ang isa't-isa." Hindi niya napigilan ang tumawa nang matapos siya sa pagsasalaysay ng nakaraan.

Extinction: The Curse Of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon