Chapter XXVIII

44 6 23
                                    

Chapter XXVIII: Reunite

***

Do you know how it feels like to carry a vast void in your identity that you don't know if it needs to be filled or not? Hindi ko na alam kung ano ba 'yung kulang. Sigurado akong si Ate Avliary 'yon. Gusto kong magmakaawa sa kaniya na umalis na kami bago pa mas gumulo ang buhay namin... pero bakit gano'n? What should I prioritize if everything I discover is bound to my existence?

Lagi kong iniisip kung paano ba ako napunta sa ganitong sitwasyon. Akala ko malinaw na ang gusto ko sa sarili... pero bakit pakiramdam ko gumulo lang ang lahat?

Hindi ko namalayan na dumiretso nga talaga ako sa bahay ni Miss Quilliana. Nakapark lang ang sasakyan na pinara ko malapit sa mismong bahay nila. Anong una kong tatanungin? For damn's sake! Bakit niya ako pinaglaruan?

Naglakad ako patungo sa bahay ni Miss Quilliana. Tahimik ang loob. Nahagip naman ng mata ko si Pleoni, ang secretary niya. Pababa siya ng hagdan habang abala sa kaniyang hawak na cellphone.

"Miss Pleoni." I mentioned, grabbing her attention.

"Miss Avyri, hinahanap mo ba si Miss Quilliana? Nasa likod siya ng bahay," bati niya sa akin.

Tumango naman ako at nagpasalamat. Pagkalabas ko sa bahay ay nakita ko si Miss Quilliana na nakaupo at may hawak na tasa. Malalim ang iniisip niya na hindi niya namalayan ang pagdating ko.

"Umupo ka, Quila." She offered. "Anong kailangan mo ngayon?" dugtong niya.

"Kailan ka pa umuwi?" Tanong ko sa kaniya.

She smiled. Uminom siya sa hawak na kulay puting tasa. Hindi ko pwedeng sabihin sa kaniya na alam ko na ang totoo. Kailangan kong ipakita na napapaikot niya pa rin ako sa mga kasinungalingan niya. Hanggang malaman ko kung bakit niya talaga 'to ginagawa.

"A day or two? Hindi ko na rin napansin dahil sa dami ng kailangan kong gawin." Sagot lamang niya. "Nabalitaan ko rin ang pagkamatay ni Mrs. Miranda. They're still investigating her death. Poor woman," she continued.

Akmang magsasalita pa ako nang bigla akong nakaramdam ng pamilyar na presensya. Tinangay ng hangin ang amoy niya papunta sa kinatatayuan ko. It's been a long, long time...

"Surprise, Quilliana!" Bati ng pamilyar na boses.

Napatayo si Miss Quilliana. Nawala ang postura niya. Natapon din ang hawak na tasa dahilan upang mabasag ito. Gusto kong lumingon pero parang sasabog ang dibdib ko.

Halo-halong emosyon ang namumuo sa akin. Hindi ko magawang maigalaw ang katawan ko. She's the one. Siya ang matagal ko ng gustong kausapin kung bakit niya hinayaang ganito ang kahihinatnan naming magkapatid. Damn!

"Quintana... hindi ka man lang n-nagsabi na uuwi ka." Gulat ang nakapinta sa mukha ni Miss Quilliana habang sinusubukan niyang ayusin ang sarili.

Quintana Bonavich... napangisi ako sa narinig. Pumikit ako at unti-unting lumingon sa babaeng kadarating lang. Reunion pala ng magkapatid na pabaya sa anak ang magaganap ngayon.

Gusto ko siyang sugurin at hawakan nang mahigpit ang kaniyang leeg. Bakit nga ba buhay pa siya hanggang ngayon?

"Ayoko naman na istorbuhin ka pa sa pagsundo sa'kin. Alam kong marami ka pang ginagawa para sa organisasyon nang mawala ako." Sagot niya habang dinig ko ang yapak niyang papalapit sa amin.

Napahinto naman ito nang tuluyan na akong makaharap sa kaniya. Nagkasalubong ang aming mga mata. Nanatili kaming nakatitig sa isa't-isa nang ilang minuto. Wala ni isa ang nagtangkang basagin ang katahimikan.

Hindi na tumanda pa ang mukha niya. Kung anong itsura ang mayroon siya no'ng iniwan niya kami ay 'yon pa rin hanggang ngayon. They were the same height as Miss Quilliana. She has shoulder-length wavy blond hair. A pair of eyes like mine was staring at me. Her red thin lips were attempting to utter a word but she chose to shut it.

Extinction: The Curse Of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon