Chapter V

219 68 165
                                    

Chapter V: Rules

***

I don't know if he still remember me and I'm also confused whether to thank him or not. Kasi paano kung sinabi nilang may bounty ngang nakapatong sa ulo ko? Sasabihin kaya niya? Dahil kung gano'n, edi sana hindi ako nakalabas sa kulungan na 'yon. Parehas kami ni Ate. Teka... Hindi kaya mas maganda 'yon? Hindi na ako mahihirapan ngayon. 'Yun lang at sayang ang sakripisyo ni Assie. Ipapapatay din nila siya. Argh.

Hindi ko mapigilang tignan siya nang masama dahilan upang agad na bitawan ang kamay ko.

"Lamig," bulong niya.

"Hello! Nandito pa ako." Singit ng babaeng kasama niya. She wave her hands in front of us to notice her.

"Oo nga pala. Nisha at Quila, siya si Blaine." Pagpapakilala ni Ledger sa kasama niyang babae.

Ngumiti lang 'yong babae kaya tumango lang din ako. Buti naman at hindi siya nakipag kamay sa akin. Mabuti naman.

"Bakit pala kayo nandito?" Tanong muli ni Nisha.

"Kinukulit ko kasi 'tong si Ledger—" Hindi niya natapos ang sasabihin nang sinenyasan siya nito.

"Magpapagupit ako. Masyado na kasing mahaba ang buhok ko. Pinagalitan ako sa school," he explained as he ran his hand through his straight mid-length hair. 

"Actually, I can talk to our school kung ayaw mo talagang ipagupit 'yan." Sumbat sa kaniya ni Blaine.

"Shh." Suway naman ni Ledger bago siya iwan.

"Sorry pero mauna na kami. Bye!" Paalam nito at agad na tumakbo para sumunod.

Nisha shrugged before dragging me somewhere. Hinayaan ko lang siya habang pinipilian ako ng mga damit at kung ano-ano. Sana dumating 'yong oras na magagawa ko rin 'to sa kapatid ko. Kamusta na kaya siya? Is she okay? I hope she's well or else I won't think twice about killing that monster.

Sometimes I ask if is there any divine watching over him? Kung meron man, bakit parang mas binibiyayaan pa nila siya kesa sa ibang mas nangangailangan sa gano'n na kayamanan? Hindi ba niya makita kung gaano siya kasama sa sariling mga anak niya? Anak? I wonder if we're his own.

"Feel ko kailangan mo ng contact lenses. Anong kulay ang gusto mo?" Nisha suddenly asked.

Hindi ko man lang napansin na nasa ibang parte na naman pala kami ng mall. May iba't-ibang uri ng mga eyeglasses ang nakalagay sa loob. Meron din namang manipis at may iba't-ibang kulay na hugis bilog na maliliit ang nakadisplay.

"Gusto ko 'yong kulay pula," I said.

"Ano ka ba!" Tinulak niya ako. "Edi pagkakamalan kang bampira niyan." Tumatawang sambit niya.

"Bampira naman talaga ak—"

"Shh!" Pigil niya sa 'kin habang tinitignan ang paligid namin. "Ito na lang black, okay?" Dagdag pa niya.

I just stared at her. Tinanong niya ako pero sa huli 'yong gusto niya pa rin ang nasunod. Why did she even bother asking? Kaya naman na pala niyang magdesisyon. Muli akong lumabas nang magbabayad siya. Anong oras na rin. Hawak-hawak ko ang mga pinamili namin— niya pala. Sa akin 'yon pero siya lahat ang pumipili.

Sa wakas, dumating din ang oras na nakauwi na kami. Hindi naman nagulat si Miss Quilliana sa dami ng hawak ko. Inutusan lamang niya si Nisha na ilagay sa bago kong kwarto ang mga pinamili namin at sumunod ako sa kaniya.

Sumunod ako kay Miss Quilliana sa paglalakad hanggang makarating kami sa likuran ng bahay niya. May isang bilog na mesa at dalawang upuan. May tasa din sa mesa na nakahanda para sa amin. Pinapalibutan ang lugar na 'yon ng mga halaman na may iba't-ibang uri ng bulaklak. She offered me a sit before she began.

Extinction: The Curse Of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon