Chapter XXIX

48 6 17
                                    

Chapter XXIX: Confessions

***

I can't help but to stare at his brown eyes. Totoo ba ang mga salitang lumabas sa kaniyang bibig? Simula nang magkita kami rito sa children's park hanggang sa sinabi kong mahalaga siya sa akin? Nakilala niya ako kahit nagbago na ako ng anyo?

"Mabuti na lang at hindi mo binura ang mga alaala ko tungkol sayo," he added.

Hinawakan niya ang kamay ko na agad ko rin namang binawi sa kaniya.

"Ledger..." Hanggang saan ang alam mo tungkol sa akin? Gusto ko siyang tanungin subalit hindi ko alam kung bakit may pumipigil sa akin.

Dahil ba sa takot ko?

"I always ask myself, ano bang ginawa niyong pagmamanipula sa kapatid ko? Bakit niya ba kayo binabalik-balikan?" Pasimula niya, umiwas siya ng tingin at tumikhim.

Hindi ako makapagsalita sa sinabi niya. Parang may bumabara sa lalamunan ko na kung ano. Bumigat ang nararamdaman ko. Sobrang bigat.

Kanina lang ay nakita ko ang nag-abandonado sa amin ni Ate Avliary. Ngayon naman ay nalaman ko na matagal na palang alam ni Ledger lahat. Paano niya nagawang tulungan pa ako kung alam niya pala na ako ang dahilan ng pagkawala ni Assie?

Hinayaan ko ang pagtulis ng aking kuko at unti-unting ikinuyom ang kamay. Pero kahit anong gawin ko ay mas mabigat pa rin ang nararamdaman ko kaysa sa pagbaon nito.

"I was against my sister's decision. Hindi ko siya maintindihan. May naghihintay sa kaniya na magandang kinabukasan," he paused and wiped his tears. "Shit. Why did she chose you over her future? Over us?" He continued.

"I'm...s-sorry-" Napahawak ako sa dibdib ko. Damn! Alam kong hindi maibabalik ng paghingi ko ng tawad ang buhay ni Assie pero wala na akong ibang alam na gawin.

"Those thoughts often cross my mind. Ano bang nakita ni Ate Assetrina sa iniyo?" Tanong niyang muli.

Naalala ko lahat ng mga tagapagturo naming sinubukan kaming tulungan. It feels as if scorching blades are penetrating every inch of my chest. Parang nanlalambot ang mga tuhod ko subalit kailangan kong tumayo nang maayos upang harapin ang kinahinatnan ng pangyayaring iyon.

Umiling ako kay Ledger. Maski ako ay hindi alam ang dahilan kung bakit kami tinulungan ni Assie.

"Sinundan ko siya nung gabing 'yon. At dahil doon ay nakita kita, Avyri." Paliwanag niya at unti-unting humarap sa akin. "When I saw you, I felt rage and at the same time...sympathy. Your eyes convey despair."

"W-what?"

Hindi ko siya maintindihan. Bakit? Paano?

"At nang mas makilala kita, naisip ko... Kaya pala bukambibig ni Ate Assetrina na tulungan kayo. Dahil parehas kayo ng sitwasyon, ang kaibahan lang ay walang tumulong sa kaniya upang makaalis sa bilangguan na iyon. Good thing is, kinaya niyang umalis sa sitwasyon na 'yun mag-isa." He smiled bitterly.

Ngayon ko lang napagtanto ang lahat. Kaya ba galit na galit si Ledger sa mga magulang niya? Dahil laging nakabilanggo ang kapatid niya sa gusto ng mga magulang niya. At nang makalaya siya sa mundong 'yon ay nawala siya dahil sa pagtulong sa amin. Mas bumigat ang nararamdaman ko.

Halos mawalan ako nang balanse nang maramdaman ko ang mahigpit na pagyakap sa akin ni Ledger.

"Ngayon lang ako naglakas ng loob na sabihin sayo ito, Avyri." Mas humigpit ang yakap niya na siyang ikinahagulgol ko.

Paano niya nagawang yakapin ako? Anong ibig niyang sabihin?

Damn!

"H-how? Why?" I asked between my sobs.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 27 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Extinction: The Curse Of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon