Chapter VI

229 67 143
                                    

Chapter VI: Vandalism

***

That damn nightmare woke me up for the second time. I feel like I've been chased by leaving my sister behind. Para akong sinasakal ng oras dahil sa ginagawa ko. Nagdadalawang isip pa rin sa paraan kung paano ko babawiin ang kapatid ko. Pati na rin kung paano ko sisirain ang buhay ng halimaw na 'yon. 

But whatever happens I will get her back.

I want to check her personally. Ask her if how she is. Tell her that I'm fine. I'm longing for that moment. Tumayo ako at tumingin sa orasan na nakasabit sa pader ng kwarto ko. 6:15 na pala ng umaga.

Naligo muna ako bago lumabas ng kwarto. Tahimik na rin ang buong sala pagkababa ko. Agad akong humarap sa pinto ng kusina nang maramdaman ang presensya ng isang tao.

"Quila!" Someone cited.

Lumingon ako. "Nisha," I answered.

"Hindi ba nasabi sayo ni Miss Quilliana? May pasok ka ngayon."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. She grabbed my wrist. Binalik niya ako sa kwarto. Binuksan niya ang cabinet at inabot sa akin ang napili niyang bagong damit.

"Ito muna ang isuot mo dahil hindi ka pa nasusukatan ng mananahi para sa uniform." She explained, still holding the clothes. "Huwag mo rin kakalimutan 'yong contact lenses mo. Oh, kunin mo na," pilit niya.

Pagkakuha ko sa kamay niya ay nagtitigan kami. Kumunot ulit ang noo ko.

"Hindi ka ba lalabas?" Tanong ko.

"Bakit?" Inosenteng tanong niya.

"Magpapalit ako."

"Ahh. Oo sorry hehe." She gave me a peace sign before leaving.

Binuksan ko muna ang kabinet sa tabi ng lamesa ko para kumuha ng syringe. Good for forty-eight hours na raw ito para hindi masunog ang balat namin sa init. Hirap din akong ilagay ang contact lenses sa mata ko. Tinuruan na ako kahapon ni Nisha kung paano 'to pero naluluha ako. Damn!

Pwede ko namang hindi na isuot pa ito. Hindi naman bilog ang buwan sa labas. Argh!

Nang matapos 'yon ay tinignan ko ang bigay niyang damit. It was a black pleated skirt and a white tee. May ganito pala siyang binili? Sigurado ba siya rito? May pagdududa man sa akin ay sinunod ko siya. Nagsuot din ako ng medyas na matatakpan ang peklat sa paa ko. Kinuha ko ang white sneakers pati na rin ang shoulder bag na binili namin kahapon.

Paglabas ko ay sinuri ako nang mabuti ni Nisha.

"Tuck-in mo yan." Lumapit agad siya para ayusin ang damit ko. Napaatras pa ako nang kaunti dahil sa ginawa niya. "Okay na yan. Halika na."

"Sasamahan mo ako?"

Parang tangang tanong ko. Wala pa ang isang linggo na kasama ko siya ngunit nagagaya na ako sa kaniya. Ahh–muntik ko ng makalimutan– isang buwan din pala akong walang malay. Baka habang natutulog ako ay nakukuha ko na ang pagkatanga niya.

"Wala akong pasok ngayon. Kanina pa naghihintay sayo si Ledger sa shop. Siya ang kasama mo," paliwanag niya. "Ito pala wallet at  magiging agkain mo." Inabot niya sa akin ang isang baunan ng tubig habang naglalakad kami.

"Okay," I nodded. 

"Sa totoo lang, inumin 'yan, hindi pagkain." Singit niya. "Good luck!" She smiled, walking towards the counter.

Tumingin ako sa paligid para hanapin ang taong kanina pa naghihintay sa 'kin. And there he was... smiling at his phone. Mukha siyang may naperahan dahil sa ekspresyon ng mukha niya. Inayos ko muna ang suot kong palda dahil mukhang maiksi sa akin. Hindi ako sanay sa ganito.

Extinction: The Curse Of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon