Chapter XXI

241 29 60
                                    

Chapter XXI: The Bond

***

I almost killed him when he touched my shirt. Sinabi niyang ituck-in ko raw 'yon na siya namang sinunod ko. I still rolled my eyes at him. Hindi ko siya kinakausap hanggang sa makarating kami sa kanila.

Nang makapasok ako sa bahay nila ay agad akong sinalubong ni Debi nang yakap. This kid was like her brother, they didn't even ask permission first before doing something to me. But she can be an excuse-she's cute. It's fine with me.

"My nii-san prepared foods for you." Masayang sabi niya habang hinahatak ako papuntang kusina nila.

Paano ko ba makakain ang inihanda nila? Sana pala sinubukan ko muna sa bahay nila Miss Quilliana kung talagang nakakatulong 'yung tsaa na binigay niya para ayusin ang panlasa ko sa pagkain ng mga tao.

"Don't just drag her around, Debi." Suway ni Ledger sa kaniya.

Sumunod lang siya sa paglalakad namin.

"Ikaw talaga ang may sabi niyan, ha?" Sagot ko nang may mapanlokong ngiti.

Napahinto naman siya saglit habang nakatitig sa akin. Nang makabawi ay napakamot siya sa kaniyang batok.

"Clumsy human," I murmured.

Huminto kami nang makarating sa kusina nila. May mga nakahanda na nga roon na pagkain. Ibinigay ko rin kay Debi ang dala kong box ng donut para sa kaniya.

"For me? Thank you," she giggled. "Nanny, you should join us for dinner!" Tawag nito kay Flor na nasa sala kausap si Ledger.

"This should be a family dinner pero busy si Criselda sa trabaho." May biglang lumabas na lalake mula sa isang pinto rito sa kusina. May hawak siyang pinggan at inayos 'yon sa bawat tapat ng upuan.

Bakit hindi sinabi ni Ledger na nandito pala ang tatay niya? Nakaramdam ako ng pagkabigla nang lumapat ang tingin niya sa gawi ko. 

Tumikhim ako. "Good evening, Sir." Bati ko tsaka yumuko sa kaniya.

"Huwag kang kabahan sa 'kin, hija." Nakangiting sagot nito sa 'kin. "And you can call me Tito."

"S-sige po, tito." Damn! Why did I stutter?

"Maupo na kayo para makakain na tayo." Utos niya sa amin.

May anim na upuan ang mesa. Tumabi sa akin si Ledger. Kaharap namin si Debi at Flor habang si Tito Barry ay nasa kanan na dulong pwesto. Nagsimula na silang magdasal bago kumain. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil napakatahimik ng paligid. Hindi ko rin masabing ayoko kumain baka kung ano ang isipin nila.

"Tell me how did you met my son, hija?" Tanong ni Tito Barry na bumasag sa katahimikan.

"Pa, bakit kailangan mo pang tanungin 'yan?" Pagbaling ni Ledger sa tatay niya.

Nakatingin lang ako sa laman ng plato ko. Alam kong karne 'to ng hayop dahil naamoy ko. I gulped. Sana epektibo.

"Hindi ko ba pwedeng malaman kung paano kayo unang nagkita? She's your first girlfriend na idinala mo rito sa bahay. You're our unico hijo. Dapat lang ay malaman ko." Dagdag ni Tito Barry.

Mas lalo akong hindi nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Did Ledger told them that I'm his girlfriend? nagsinungaling ba ulit siya?

"Pa, wala akong sinabing girlfriend ko siya." He made a point.

Ahh—hindi niya ako kaibigan. Baka dapat kaklase ang sabihin niya?

"But I thought she's your girlfriend?" Tanong naman ni Tito Barry.

Extinction: The Curse Of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon