Chapter XIII

243 60 130
                                    

Chapter XIII: Headmaster

***

I never expected her to moved me out. Bakit biglaan naman ata? Walang gana kong inayos ang ilan sa mga gamit ko rito sa apartment ni Nisha. Mag-isa lang naman siya rito at minsan lang umuuwi. Pero ngayon, kailangan niya akong samahan dahil inutusan ako ni Miss Quilliana na lumipat muna sa kaniya.

"Temporary lang naman daw, huwag ka na magmaktol jan." Suyo sa 'kin ni Nisha habang tinutulungan ako.

Okay lang sana kung hindi ko kasama si Nisha sa iisang lugar. Sigurado ba si Miss Quilliana sa desisyon niya?

"May aayusin lang naman si Miss Quilliana." Dagdag pa niya bago lumapit sa 'kin.

Magkaiba man kami ng kwarto ay hindi pa rin ako mapakali. Paano ako mag-aaral ng matiwasay niyan? Ahh–hindi pala ako nag-aaral tuwing gabi kaya ayos lang.

"Sinabihan mo na ba si Ledger na dito ka sunduin mamaya?" She asked.

See? Dadaldalan lang ako ni Nisha. Hindi niya ako titigilan. Nag-aaral pa ba siya? Bakit minsan ko lang siya makitang pumasok?

"Yes, I already updated him." I answered.

Pagkatapos naming magligpit ng gamit ko ay sinabayan ko siya sa tanghalian. Kahit umiinom lang naman ako. Nakapalit na rin kami ng uniform. Sasabay daw kasi siya sa pagpasok.

"Nasaan ang mga magulang mo, Nisha?" I asked while she's eating her chicken adobo.

"Ako?" Turo nito sa sarili.

"Who else has the name of Nisha here?" I answered sarcastically.

Tumawa naman siya. Uminom muna ng tubig bago ako ulit bigyan ng pansin. Saglit lang niya akong tinignan sa mata bago sumagot.

"Bakit mo natanong?"

"Kasi wala kang kasama dito."

"Meron," she paused. "Ikaw, diba?" May katangahang sagot niya.

"Okay, I'm done talking to you." Tumayo ako para lumayo sa kaniya.

"Joke lang! Hindi ka naman mabiro. Wala na ang mga magulang ko. Namatay sila five years ago." Matinong sagot niya.

Huminto naman ako sa paglakad bago siya tapunan ng tingin. Biglang tumahimik ang paligid dahil do'n. Should I apologize? Before I could regret something I was already saved by the knocks. Dumiretso na lang ako sa pinto para pagbuksan kung sino man 'yon. And it was Ledger.

Nakasuot na siya ng uniform. He was just standing in front of me. Na parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi.

"What?" I asked.

"Pwede ba ako pumasok?" He asked. I rolled my eyes before returning to the living room.

"Pasok ka, Ledger!" Sigaw ni Nisha at sumunod naman siya. 

"Pwede ko ba subukang ayusin 'yang make-up mo?" He added.

I crossed my arms and stared at his face. Talagang gusto niya pakielaman ang pagmumukha ko. I was about to say no when Nisha suddenly interrupted us.

"Sige nga. Kung mas magaling ka sa 'kin," she challenged.

"Maliit na bagay," Ledger said, smirking.

Teka, bakit ba ako pa ang iniipit nila sa gusto nilang patunayan sa isa't-isa? Wala naman akong pakielam sa ginagawa nila. But before I knew, Ledger was dragging me inside my room. Nanonood lang din sa amin si Nisha habang nakatindig.

"Did I say yes?"

"Hindi na kailangan," he answered. Inayos niya ang buhok ko para makita ng maayos ang buong mukha ko.

Extinction: The Curse Of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon