Chapter XXVI

60 8 31
                                    

Chapter XXVI: Affiliated 

***

I can't let them catch me. Hindi ngayon na may tiwala na sila sakin dahil sa galit na meron ako sa halimaw na 'yon. Inilibot ko ang paningin upang makahanap ng maaring lagusan ngunit nabigo ako. Nakarinig ako ng dalawang katok mula sa pintuan.

"Sinong nasa loob?" Tanong ng isa sa kanila.

Hindi pa man ako nakakapagsalita ay biglang tumunog ang bawat speaker na nakakabit sa pasilyo ng laboratoryo.

"Lahat ay inaatasang tumungo sa red room upang saksihan ang unang inaasahan na tagumpay sa ating proyekto." Inanunsyo ito ng dalawa pang beses dahilan upang umalis ang dalawang nasa labas ng pinto.

Hinintay kong maging tahimik ang pasilyo bago lumabas. Dumiretso ako sa silid kung saan ko nilagay ang babaeng empleyado na kinuhanan ko ng ID. Ibinalik ko ang kaniyang mga gamit. Binuhat ko siya at inilapag sa daanan. Tinapik ko ang kaniyang braso. Umangat siya sa akin ng tingin. 

"Anong nangyari?" Tanong niya sa 'kin habang hinihimas ang bandang leeg niya.

"Kailangan mong dumiretso sa infirmary," sagot ko. Inalalayan ko siyang tumayo. Tumango siya bilang sagot bago ako iwan.

Mabuti na lang at walang naging problema. Habang naglalakad ako papunta sa Drusilla Hall kung nasaan ang kwarto namin nila Kaylee ay nakasabay ko si Moria. She was frowning. I didn't bother asking her. It's none of my business. 

"Nakakairita talaga ang Lothaire na 'yan. Lagi na lang niya akong nahuhuli at isinusumbong," she blurted out. 

"He's the monitoring student president," I shrugged. 

Nalaman ko lang nung isang linggo na ako rito. Kaya pala kung makaasta siya ay nakatutok ang kaniyang mga mata sa galaw mo. Lahat pala ng estudyanteng pumapasok sa Alderidge na bampira ay binabantayan niya sa pamamagitan ng Exousía. Magaling talaga siya sa trabaho niya na akala mo'y ang galaw mo lang ang kaniyang nakikita.

"Ganito rin ba ang ginawa niya sayo?" Tanong niya bago huminto at buksan ang pinto na kaharap namin. 

"Precisely," I answered. 

Bumungad sa amin ang madilim na kwarto. Hindi na kami nag-abalang buksan ang ilaw dahil kitang-kita namin si Kaylee na mahimbing na ang tulog. 

May tatlong magkakahiwalay na kama ang laman ng silid. Meron kaming tig-iisang mesa, upuan, aparador para sa mga gamit namin at may iisang banyo. Sakto lang ang laki ng silid para sa aming tatlo. 

"Ayaw ba niyang tumulong ako?" Maktol niyang muli. "Gusto ko lang naman tulungan na tumakas 'yung babae kanina. Hindi ko naman papatayin, e." 

"Ano?" Tanong ko upang linawin niya nang mabuti ang sinsabi.

"Habang pabalik ako rito ay may humingi ng tulong sa akin. Isang babae, may humahabol daw sa kaniya at pumayag naman ako. Alam kong sobrang tapang ng dugo niya pero hindi ko namna siya papatayin. I swear!" Kwento niya. Dumiretso siya sa kaniyang kama at umupo.

"Lothaire has trust issues. Ayaw niya kasing mabahiran ulit ang lahi natin," I explained. Dahil din naman 'yun sa katigasan ng ulo ni Moria nung nahuli siya.

Ipinagbabawal na uminom ng dugo sa unibersidad lalo na kung makikita ng ibang estudyante. Dahil ang ilan sa kanila ay hindi pa alam ang tungkol sa amin.

"Pero nagsasabi ako ng totoo..." she paused, "ano na nga ulit ang pangalan nung babae?" Bulong niya sa sarili.

"Nasan na 'yung babae ngayon?" Walang ano-anong tanong ko. 

Extinction: The Curse Of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon