Chapter XVIII

196 34 81
                                    

Chapter XVIII: Spencer

***

I let out a heavy sigh even though I didn't have to. I stared at her for a couple of minutes, studying every inch of her to confirm something... but I failed. Amoy ko rin ang purong tao na dugo niya. Kung gano'n nga ay hindi siya ang tinutukoy ni Mr. Lincoln? Pero sino pa ba?

"Quit staring," kumento ni Miss Quilliana.

She was sitting right in front of me. Inaayos nito ang kaharap na mga papel bago pagpatong-patungin. Itinulak niya ito upang ipwesto sa harap ko. Nasa office kami ngayon ng bahay niya. Nang maihatid ako ni Lothaire ay agad akong pinatawag dito ni Miss Quilliana.

"Aanhin ko ulit 'to?" I asked. Lagi na lang kasi ako nagbabasa ng mga binibigay niya.

"Kopya ng mga document and certificate kung saan nakalagay ang mga nabili kong trusts. That was under my daughter's name. I'll let you handle it." She answered as she grabbed the coffee beside her.

Binuklat ko ang ilan sa mga 'yon. Nakalagay nga doon ang pangalan na ginagamit ko ngayon. Ano naman ang gagawin ko rito? Napatigil ako nang makita kung saang kumpanya siya bumili ng sinasabi niyang stock.

"Rhysand Property Group?" I asked.

"I bought that 15 years ago. Ang laki ng risk na ginawa ko. Kung natatandaan mo, there was a time when your company almost got bankrupt because of such controversy," she began, pointing the date at the paper. "That was the day before I bought REITs. Alam ko kasing mapapalago rin ng tatay mo 'yun agad. He's a Rhysand," she stated as if he knew him well.

Tumayo siya at lumipat sa likuran ko.

"Halatang handa ka," I commented.

Naramdaman ko naman ang paglapit ng katawan niya sa likuran ko. I can also smell her strong scent. 

"Hinanda ko lang lahat para sa anak ko," she whispered.

Agad ko namang inilayo ang sarili sa kaniya. Alam ko ang ilan sa mga bagay tungkol sa negosyo. Isa 'yon sa mga tinuturo nila sa amin ni ate no'n.

"Pwede ba akong magtanong?" I asked. Tumayo naman ako at sumandal sa table niya upang makaharap siya.

"As long as I can answer it, go on."

"Asan ang pamilya mo?"

Tinaas nito ang kilay, "hindi ba sinabi ko na sayo dati?" Tanong din niya.

"Ang ibig kong sabihin, ang pamilya Bonavich. Buhay pa ba ang mga magulang mo? May kapatid ka ba?"

Kung may kapatid siya, baka 'yon ang tinutukoy ni Mr. Lincoln o hindi kaya ang nanay niya rati. Hindi lang talaga mawala sa isip ko kung sino ba ang half-ling na 'yon.

"Bakit mo naman natanong?"

"I'm just wondering. You know a lot of things about us, can't I know minor information about you?" Sumbat ko upang hindi siya ganoo'ng magduda.

"My parents are dead." She said, showing a bitter smile.

"Any other siblings?"

Sasagot na sana siya nang may kumatok sa pintuan at buksan ito. It was her secretary. Pamilyar na sa akin ang mukha niya dahil parati siyang kasama ni Miss Quilliana papuntang trabaho.

"Sorry for interrupting your discussion. Miss Quilliana, we need to attend an emergency meeting." She explained as she walked toward Miss Quilliana.

Tumango siya bago humarap sa akin.

"I have to go," she said.

Hindi pa ako sumasagot pero agad na silang lumabas ng office. Kinuha ko na ang mga bigay niya bago sumunod sa labas. Diretso na sana ako sa kwarto nang harangin ako ni Nisha. Hingal na hingal siyang huminto habang hawak ng isang kamay ang tuhod niya at sa kabila naman ay cellphone.

Extinction: The Curse Of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon