Chapter VII

219 65 143
                                    

Chapter VII: Opposite

***

I didn't expect that someone out there will also loathe him. Gusto ko tuloy malaman kung sino ang taong 'yon at makipagkasundo sa kaniya para ipatumba ang halimaw na parehas naming kinaiinisan. Kung sino man siya, kahanga-hanga.

I spend half and a hour in here. Hinihintay kung sino ang pupunta para tumambay. Baka siya na kasi ang hinahanap ko pero sa kasamaang palad ay walang dumating. Nag-inat naman ako bago bumaba sa bubungan. Ramdam ko ang paglapit ng isang tao mula sa kinatatayuan ko. I almost hit that person with my water container when I recognized who is he. Ibinaba ko ulit ang hawak ko.

"Anong ginagawa mo rito? Wala ka sa cafeteria kanina," he said. "Teka, wala ka pala sa cafeteria kaya ka nandito." Sabi nito sa sarili.

Ano bang pinagsasabi niya?

"Bakit ka nandito?" Tanong ulit niya pagkalapit sa pwesto ko.

"Kasi wala ako sa cafeteria," sagot ko naman.

Natawa naman siya dahil do'n. Kumunot ang noo ko. I'm messing with him but why is he laughing?

"Balik na tayo sa room," aya niya.

"We're not going to the same room."

"Pero madadaanan ko ang room niyo kaya sabay na tayo," he insisted.

I rolled my eyes. Sabay na kaming bumaba. Bakit ba lagi dapat siyang nakabantay sa akin? Mukha ba akong hindi sumusunod sa utos? Okay, fine. Sabi ko nga, hindi. At kung malabag ko man ang mga patakaran ni Miss Quilliana, sisiguraduhin kong hindi ako mahuhuli. Lalo na 'tong Ledger na 'to.

Dinaanan nga lang talaga niya 'yong palapag namin at diretso na siya sa baba. Pagdating ko sa loob ay nakatingin silang lahat. I said I hate this kind of attention. Argh!

Hindi ko na lang sila pinansin at umupo. I turned my gaze at the window. Ramdam ko mang may papalapit sa akin na dalawang tao ay hindi pa rin ako lumingon.

"Hi," sabay nilang bati.

Tumingin ako sa kanila para malaman kung anong kailangan nila. But I guess my attention wasn't enough.

"What?" Tanong ko na lang.

"Quila, right?"

What a stupid question. Kung nandito na siya nung nagpakilala ako, hindi na niya kailangan na tanungin pa. Hindi ko siya kinibo.

"Can we be friends? You're so cool, e."

Kumuha sila ng mauupuan sa tabi ko bago ulit ako tignan. Nakangiti lang sila sa akin pero alam kong pilit lang naman 'yon. Ano bang mapapala nila sa akin? Hindi sila ang kailangan ko rito.

I leaned closer to them.

"I'm not cool..." I paused, looking directly at their eyes. "And I don't care about having friends," I added.

Umayos ulit ako ng upo. Hindi makapaniwala ang ekspresyong naipinta sa mukha nila nang marinig ang sinabi ko.

"Huh? We're giving you opportunity." The girl with a curly hair said, twerling her hair.

"Pumili ka na ng grupo hanggang maaga pa," the other one stated.

Hindi pa ba sapat ang sinabi ko para maramdaman nilang wala akong interes sa kanila? I facepalm.

"Fine. That's what you like, e." They both stand up. Nakataas ang kilay nila bago tumalikod. "You will definitely regret it naman." Kahit pa man bumulong sila ay rinig ko pa rin.

Extinction: The Curse Of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon