Chapter XI

265 55 115
                                    

Chapter XI: Familiar

***

If we can only reach the one-thousand-year mark, I may have received a unique power. And I can use that to kill him. But I think we've been cursed by time. We can't even reach a hundred during this generation. They keep on dreaming about coexisting with humans. Mahal ba talaga nila ang lahi nila? Malapit na kaming maubos.

"Nisha told me na nakita mo ang iyong ama?" Miss Quilliana asked.

"Wala akong ama," ulit ko sa kaniya.

"And you failed your exam," sabi naman niya.

I gulped. Alam talaga niya lahat ng nangyayari sa 'kin. Ang galing naman talaga ni Ledger.

"Kaya ako sumali sa tinatawag nilang pageant dahil sinabi mo—"

"I get it. Are you even sure na effective ang ginawa mo?" She crossed her arms, facing me. "Nevermind. Magfocus muna tayo sa training mo," she added.

Binigay niya sa 'kin ang dalawang mabibigat na bag. She instructed me to jump so that she can see if I still have my strength. Binibigyan niya ako ng dugo ng tao kada linggo. Hindi ko lang alam kung kanino o saan niya kinukuha. Naamoy naman namin kung mabuti 'yong dugo ng isang tao o hindi. Sinunod ko naman 'yong sinabi niyang pagtalon. I also need to control my strength around people. Kontrolado ko naman, ha? Maliban no'ng sinalo ko si Ledger sa muntik nang pagkahulog.

Buti na lang nasa malawak kaming espasyo ngayon. May mga nakapaligid din na matataas na puno. Kita ko ang pagsasayawan ng mga dahon. May ilan ding nahulog sa damuhan kung saan kami nakatayo. I can also hear the gentle pleasant sound of water as it moves along in a river not far from us.

Ang alam ko lang ay ilang oras kaming nagbyahe para makarating sa lugar na 'to.

"How's your ankle? Nilalagay mo ba 'yong ointment na binigay ko sayo?" Tanong niya habang nakatingin sa 'kin.

"Yes, every night."

Ibinaba ko 'yong bag at nagsimula nang tumalon sa mga sanga ng puno. I can jump higher than before. I wonder if it's because of the bags of blood they given me that time. Kung hindi man iyon ang dahilan... Baka nung madeactivate nila ang sinasabing detector sakin.

"Are you using mind control?" Biglang tanong niya.

"I can," I answered shortly.

Should I tell her that I used it last week? Pero ibig sabihin no'n ay sinira ko na ang unang patakaran niya. Hindi niya dapat malalaman.

"Huwag mong gamitin 'yon sa masama. But don't use it even if it's necessary."

"Don't stress yourself. I cannot harm people using mind control," I explained.

"And don't ever think of using that power against me. " Masungit niyang sabi habang inaayos ang telang hawak niya sa damuhan.

"Huwag ka lang tumingin ng direkta sa mga mata ko," paalala ko.

Tinulungan ko naman siyang magbuhat ng mga pagkain mula sa sasakyan. Hindi naman ako makakakain pero marami siyang dinala.

"I just want some peace of mind at this time. Just continue your training," she reminded.

Nagbukas siya ng isang bote ng alak. She look so tired. Ano bang pinagkaka-abalahan niya ngayon? Kaunti lang naman ang alam ko tungkol sa kaniya. But it seemed like she knows a lot about our race. I wonder who's that vampire she loved.

"Maari ba akong magtanong?" Hindi ko napigilan ang sarili. I'm curious.

"As long as I can answer it. Go on," she answered, feeling the breeze of the place.

Extinction: The Curse Of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon