Chapter I

584 105 215
                                    

Chapter I: Shackles

***

Does all living creature have the same rights as a human? Do they deserve freedom? Acceptability? Love? What if humans find out that we- vampires do exist? Nevermind. Hindi rin naman ako makakalabas sa kulungan kung nasaan ako. Ano pang dapat kung pangarapin? I'm losing my hope. Malapit na.

Tumalikod ako upang silayan siya. Inaayos nito ang mahabang buhok habang naka-upo sa kama. Bakit laging may sigla ang mukha niya? Paano niya nagagawa ang maging masaya sa kulungan na ito?

"Lumapit ka dito para maayos ko rin ang buhok mo," sabi niya sa 'kin.

"Ayoko na," I answered, avoiding her gaze.

"Ilang beses mo na bang sinabi 'yan?" Tumawa siya nang mahina.

Rinig ko ang papalapit na yapak niya kasabay nang pagtunog ng kadena sa lapag. Napapikit ako nang mariin. Ilang taon na ba kami kinulong ng halimaw na 'yon? Sampung taon? Labinlimang taon? Ahh, dalawampung taon. At malamang, baka habang buhay na rin kami rito.

"Ilang beses na ba tayong nabigo sa pagtakas?" Sagot ko sa kaniya, hinayaan siyang ayusin ang buhok ko.

Pareho kaming halos nasa lapag na ang haba ng buhok. Hindi kami makapagpagupit ng buhok.

"Hmm. Ilan na ba ang namatay?"

"Every tutor we had... died," I paused. "If I'm not mistaken, maybe fourteen?"

Ang ilan sa kanila ay mga tao ngunit karamihan pa rin ay mga bampira. Bumibisita sila dito para turuan kami, dalawang beses sa isang linggo. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan pa. Hindi rin naman niya kami palalabasin dito. Mas lalong hindi ko alam kung bakit hinahangaan siya ng mga tao. Kung alam lang nila kung sino at ano siya, paniguradong papatayin nila siya.

Nakarinig kami ng ilang katok mula sa pinto. Umayos kami ng upo ni Ate Avliar at hinintay ang pagbukas nito upang isumpa kung sino man ang iluluwa ng pintong 'yun.

"Huwag kang umatake, Avyri. Please," pakiusap niya sa 'kin.

Nagkibit balikat na lamang ako. We resented him but Ate Avliary would pretend that everything's fine unless he doesn't give our daily needs. Sabi niya dapat magpasalamat pa rin kami kasi buhay kami ngayon. Does it even look like we're alive? Nobody knows our existence except for them. Kung kaya man siyang pasunudin ng halimaw na 'yon, ibahin niya ako. Ilang beses ko na siyang pinatay sa isipan ko at hindi ako magdadalawang isip na patayin siya ngayon.

Iniluwa ng pinto ang tatlo sa mga bantay ng halimaw. Pumasok 'yung dalawa at lumapit sila upang tanggalin ang mga nakakabit sa aming paanan. Nakasuot pa sila ng gloves para hindi masaktan sa pilak na aalisin nila. Hindi ko mapigilang isipin na sakalin sila hanggang sa mawalan sila ng hininga.

"Nasaan si Ama?" Tanong ni Ate sa kanila.

Muntik na akong maduwal sa pagsabi niya no'n. Seryoso ba siya? Walang ama na gustong ikulong ang mga anak ng dalawampung taon.

"May kailangan siyang ayusin patungkol sa negosyo at sa malayo kaya kami ang magbabantay sa iniyo," he answered unconsciously.

"Tanga." Hinampas siya nito ng kasama niya. "Ang sabi ni lord Ayonli huwag kang sasagot sa mga tanong nila." Bulong nito na akala mo ay hindi namin kayang marinig.

Tumango naman ito, "bakit pala pilak ang nakagapos sa paa nila? Hindi ba—" Bago pa man niya matapos ang sasabihin ay ibinato ng nakabantay sa pinto ang susi na tumama naman sa ulo niya.

Extinction: The Curse Of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon