Chapter VIII

172 64 137
                                    

Chapter VIII: Trouble

***

Should I start changing myself? Wala. Pakiramdam ko ay mahihirapan akong baguhin. Ganito na ako sa mahabang panahon. Hindi ko agad mababago ang sarili... subalit kaya kong magpanggap. Pero ayoko pa rin. Hindi naman ako tulad ng mga tao na madaling gawin ang mga bagay na gaya nito. 

Muli akong nawala sa kalooban nang makita ang mukhang bounty na 'to na may hawak na mga libro. Nagalit pa siya kanina dahil sinabi kong isang page pa lang ang nababasa ko sa binigay niya. Ganito siguro siya gumanti.

Nasa library kami dahil parehas naming vacant ngayong oras. He decided to teach me. Primarily, those topics that has solving.

"Simulan natin sa statistics," he started.

Ibinaba niya ang hawak na libro bago umupo sa tabi ko. He looked so— argh, nevermind.

"Bakit naman ang dami?"

"Mga importante lang naman na topics." He explained, fixing his paper and pen.

I facepalm, "okay, fine."

Nakatitig lang ako sa papel niya. He started to discuss how this damn thing works. Alam kong maaalala ko ang mga sinasabi niya kaya sinubukan kong hindi antukin. Ang tahimik pa man din ng paligid. Bulong lang niya ang naririnig ko.

Hindi ko namalayan kung ilang oras na ang lumipas bago siya huminto. Ang sabi pa niya ay mas mahirap daw ipaliwanag ng madali ang accounting. Hindi naman daw kasi naging madali 'yon. Sinubukan pa rin naman niya at naaalala ko ang tinuro niya. Isang kalamangan sa bampira ang may matalas na memorya, ngunit maari ring maibilang na desbentaha sa amin. Lalo na kung ang pangyayaring 'yon ay nagdadala lang sayo ng kalungkutan.

"Sino pala ang nag-aayos ng make up mo?" He asked out of the blue.

"Huh?" Nagtatakang sagot ko.

"Wala."

I raised my brow.

Nauna naman niya akong pinalabas ng library dahil may klase na ako. Maiiwan daw muna siya do'n para magbasa. Hapon pa raw ang simula ng klase niya. Hinayaan ko naman.

Naglalakad ako sa pasilyo nang biglang nakaramdam ng kirot ang ulo ko.  Napahawak ako sa pader at sumandal do'n. Para itong sasabog na hindi ko alam. Nagulat ako bigla nang may kumalabit sa likod ko.

"Okay ka lang?" Tanong ni Nisha sa 'kin.

"No," umiling ako. Hawak ko pa rin ang ulo ko. Sobrang kirot no'n at may mga nakikita akong senaryo na hindi ako pamilyar. Malabo ang mga 'yon.

"Hala! Ihahatid ko lang sana sayo 'tong payong. Baka kasi umulan mamaya. Ano bang nagyayari sayo?" She asked again.

"Stop asking me questions!" Halos nagulat siya sa pagsigaw ko.

Damn! Napapikit ako nang mariin habang nakahawak pa rin sa sentido. Lumilinaw ang dugo na nakikita ko. Umiling ako at biglang naaaninaw na mga bangkay sa paligid ko. Napaatras ako nang 'di oras sa gulat. Sunod kong nakita ay ang bangkay ni Assie na nakahandusay malapit sa kinatatayuan ng isang lalake. 

"Sorry. Ahm... Gusto mong pumunta sa clinic?"

Sinubukan kong ipikit muli ang mata ko. The man in front of her was... confused? May sinasabi siya pero hindi ko marinig. Kilala ko kung sino ang lalakeng 'yon. Ayonli Rhysand.

"Sabing huwag mo akong tanungin." Madiin na ulit ko sa kaniya.

"Umuwi ka na lang," she suggested, still supporting me.

Extinction: The Curse Of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon