Chapter X

227 63 147
                                    

Chapter X: The Encounter

***

We were both stunned. Nakasandal pa rin siya sa likod ko. Sa gulat niya ay naitulak niya ako nang kaunti. Umayos naman ako ng tayo bago bumalik sa inuupuan ko kanina. I watched as he moved towards the woman and child that just entered.

"I want piggyback too, Nanny!" The little girl giggled.

"D-debi! How's school?" Lumapit agad si Ledger sa bata at ipinatong ang kamay sa ulo nito.

"Pasensya na po at nakaistorbo—" bago pa man matapos ng babae ang sasabihin ay sumingit na si Ledger. 

"Hindi po. Huwag po kayong mag-isip ng kung ano-ano. Classmate ko lang po siya." He said, rubbing his nape.

"Liar," I contradicted.

He's not even my classmate. Magkaiba kami ng block. Nakalimutan ba niya?

"Quila," he mentioned, forcing a smile.

"Is she your girl, nii-san?" Debi asked.

That little girl looks like someone... Or maybe I have encountered her? Teka, hindi ko naman maalala. Pero pamilyar ang mukha niya.

"Nanny, ipunta niyo na po si Debi sa taas. Ihahatid ko lang sa labas 'yong classmate ko." Paalam niya habang hawak ang magkabilang braso ko upang itulak palabas.

"We're not—" I repeated.

Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sa bigla niyang pagtawa nang malakas. Huminto lang siya nang makalabas kami sa bahay nila.

"Hindi mo naman kailangan sabihin na 'di tayo magkaklase." Agad na saad niya.

"But you're lying," I answered.

"Baka kasi iba ang isipin nila."

"So what?"

"Ha? Syempre, babae ka at lalake ako. Tapos inuwi kita sa bahay." Pagpapaliwanag niya habang naglalakad kami palabas ng subdivision nila.

"Ako naman ang kusang pumunta," pakikipagtalo ko sa kaniya.

"Hindi, kahit na. Basta! Ihahatid na kita sa labas ng subdivision."

I don't even get his point. Hinayaan ko na lang siya sa kung anong gusto niya. When the taxi arrived, he made sure that the driver is a trusted person. He asked the driver's name. I also heard him memorizing the plate number. He certainly has trust issues.

Pagkauwi ko ay dumiretso ako sa kwarto upang magpahinga. Natigilan ako nang makita ang isang papel na may lamang sulat. Nakadikit ito sa salamin na nakadikit malapit sa study table ko.

Good luck to your prelims! Study well, okay?

Lumapit naman ako para kunin ang nakalapag na paper bag dun. Nilabas ko ang dalawang puti na long sleeves na may kasamang pula na kurbata. Itinapat ko 'yun sa sarili ko at mukhang para sa akin nga ito. May kasama pa na dalawang itim na vest na may pula namang linya sa gilid nito at nakatahing pangalan ng Alderidge University. Huli kong tinignan ang dalawang pleated na palda. 

Mukhang kailangan ko na talagang matapos ang pangalawang hakbang ng planong 'to. 

***

A week passed. Natapos ang prelims namin na halos pasado sana ang mga scores ko. How can I explain this to Miss Quilliana? Baka kunin niya lahat ng dugong binigay sa 'kin para mabuhay ulit. Sinasabi ko na nga ba at hindi dapat nila ako pagkatiwalaan sa mga ganitong bagay.

"Hey loser!"

Here we go again.

"Akala ko matalino ka, magaling ka lang palang sumagot sa prof." They both laughed as if they've won a lottery.

Extinction: The Curse Of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon