Chapter XXVII

48 9 28
                                    

Chapter XXVII: The Daughter

***

I was taken aback by the words that came out of her mouth. Ang ibig ba niyang sabihin ay anak siya ni Miss Quilliana? Kung hindi man, ibig ba niyang iparating na kaano -ano niya siya? Kilala ko siya bilang Ares Vega at hindi Ares Bonavich.

Hanggang ngayon ay hindi ko magawang itanong sa kaniya kung ano o bakit niya ito sinabi sakin. Nanatili lang ako nakatingin sa kaniya.

"Alam kong naguguluhan ka na..." Bulong niya. Pilit man niyang umupo sa kama ay hindi niya magawa. Muli siyang humugot ng hininga. "I'm Ares Bonavich... matagal ko ng gustong sabihin sayo... pero nung huli kong sinubukan ay ito ang kinahinatnan ko." 

"Maaari mo bang ikuwento sa 'kin ang lahat?" Tanong ko upang mabawasan ang marami kong iniisip. Am I being selfish? Alam kong mahina pa siya at walang lakas upang isalaysay ang lahat subali't gusto ko ng malaman ang totoo.

Tumango naman siya.

"Bata pa lang kami ni Quila nang masaksihan ang laging pagtatalo ng magulang namin..." simula niya. "Hindi kami nakielam... tanging pag-iyak lamang ang nagagwa naming magkapatid," she started.

Gusto ko man siyang pahintuin sa pagkwento upang makapagpahinga muna siya ay hindi ko magawa.

"Kung gano'n ikaw ang panganay ni Miss Quilliana?" Tuloy kong pagtanong sa kaniya. 

She nodded. "Pero bilang ate... ang dami kong pagkukulang sa kapatid ko..."

"What happened?" Malumanay na tanong ko.

"May minahal na bampira si mama... 'yan ang laging sabi samin ni papa nung nasa pangangalaga pa lamang niya kami." Pabulong niyang kwento. "Pero hindi siya ang mahal ng bampirang 'yon... kung hindi ang kapatid niya."

"Kung nahihirapan ka pang magsalaysay ay huwag mo ng pilitin," paalala ko sa kaniya.

She shook her head. Rinig ko ang mabibigat niyang paghinga. 

"Akala ni papa okay na ang lahat nung isinilang kami ni Quila." She paused, holding back her tears. "Masama pa rin pala ang loob ni mama sa kapatid niya..." she continued. 

Hindi nasagot ni Miss Quilliana ang tanong ko rati tungkol sa kapatid niya. Kung gano'n— siya nga. Nanatili lamang akong tahimik at hinihintay si Ares na magpatuloy.

"Kinuha kami ni papa sa kaniya dahil sa kapabayaan niya samin... hanggang isang araw, nasa bahay kami ni mama at nag-away na naman sila... inuwi kami ni papa... at habang pauwi ay hindi inaasahan na nabangga ang sinasakyan namin.... ako lang ang nakaligtas," she added, sobbing.

Hindi na niya napigilan ang pag-iyak habang inaala-ala ang mga nangyari sa kanila. 

"Pasensya na at kinailangan mo pang sabihin sa 'kin 'yan." Alam ko kung gaano kahirap ang ikuwento sa iba ang nangyari sayong hindi kaaya-aya. 

"I need to tell you this..." She answered between her sobs. 

Imposibleng hindi alam ni Miss Quilliana na buhay si Ares?  Nagsinungaling siya sa'kin na patay na ang mga anak niya? Bakit niya nagawa 'yun? I was so confused. 

"Alam ba niya na buhay ka?" I asked. 

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko. 

"She knows..." 

Bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib. Hindi ko alam kung bakit kailangan gawin 'to ni Miss Quilliana sa kaniya. Did she plan this? Kasama ako? Ginamit niya si Ares? Ginamit lang din niya ako?

"Bakit ka pumayag?" Hindi ko mapigilang magtanong. 

"She blamed me... kung bakit namatay ang paborito niyang anak. Bakit ako ang nabuhay at hindi si Quila. She wanted me to live not as a Bonavich... but as her puppet." Humagulgol siya sa mga sinabi. Tinakpan niya ang mukha gamit ang kaniyang palad dahilan upang bitawan nito ang aking kamay. 

Extinction: The Curse Of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon