Chapter XX

277 36 69
                                    

Chapter XX: VMC Headquarters

***

Miss Quilliana already instructed me about this. Kung ano ang maari nilang itanong o kung ano ang gagawin ko kapag nakaharap sila— ang mga elder vampires. Sinabi niya rin sa akin ang tungkol sa nakabaon sa pulsuhan ko. That reminds me of what happened back then.

Ilang oras na rin nagmamaneho si Lothaire papunta sa VMC headquarters. Malayo nga talaga pero parang dumaan na ako dati sa lugar na 'to.

"Malayo pa ba tayo?" I asked.

He turned his gaze on me. "We're almost there. Huwag kang kabahan kahit pa nakatatakot ang mga matatandang 'yon."

"I'm not nervous," I answered.

Narinig ko na ang tungkol sa kanila dati. Alam kong nakatatakot sila pero pinalaki ako ng halimaw na 'yon para hindi matakot sa kung sino. Maybe he helped me... but he also took my life.

"Amazing. Dahil kung ako sayo, aayusin ko ang tono ng pananalita ko kapag kaharap sila," he tried to warn. 

"Well, you're not me." Sagot ko bago bigyan ng pansin ang tinatahak naming hindi mo halos akalain na isang daanan.

Para kaming paakyat sa isang bundok dahil sa tinatahak ng sasakyan. Nakarinig din ako ng agos ng tubig malapit sa patutunguhan namin. Pumasok kami sa malaking tarangkahan na biglang bumukas.

Lothaire parked the car in front of a huge medieval castle. If humans could see it they would assume it's a very terrifying silhouette that was perched on a cliff place— well, it's indeed terrifying. Pagbaba namin ng sasakyan ay sinalubong kami ng dalawang lalakeng bampira. They guided us as we enter the headquarter.

Main hall agad ang bubungad sayo sa loob. Ang malaking chandelier lang ang nagsisilbing malaking ilaw sa loob ng hall. May ilang kandila rin naman sa bawat hallway. Sa kaliwang bahagi ay mahaba at malaking hagdan. May ilang bampira do'n na abala sa kani-kaniyang gawain nila.

"We do business here," sabi ni Lothaire sa 'kin.

"What's your business?" I asked as we take the stairs.

"Marami. We supply nutrition to those like us—vampires. Para naman sa mga tao, we gave them services," he explained.

What the?! May gano'n palang negosyo ang mga bampira? The service thingy? Parang hindi ako naniniwala na service ang talagang binibigay nila sa mga clients.

"What services are you offering?"

"Rest and peace," he answered.

Gusto kong huminto at tanungin siya kung seryoso ba ang sinasabi niya pero naudlot. Pumasok kami sa isang kwarto.

Bumungad sa amin ang mga matang kanina pa naghihintay sa pagdating ko. May mahabang mesa sa gitna ng silid. Nakaupo na sila sa mga pwesto at sinabihan kaming magsiupo na rin. They're... they're all emotionless elders. I can't read them.

"Pwede ka bang magpakilala upang mabati ka namin bilang bagong miyembro ng konseho?" Sabi ng isa sa kanila.

I gulped. "Opo. Ako si Quila Bonavich..." I introduced. Wala na akong masabi pang iba. Hindi ko alam. Damn!

"Kung gano'n apelyido ng nanay mo ang iyong ginagamit?" Biglang tanong ng isa sa kanila na siya namang ikinagulat ko.

"Hayaan muna natin siyang magpakilala," saad naman ng katabi nitong babae.

"Inirekomenda ka ng isa sa mga pinagkakatiwalaan ng konseho. Quila, ikaw ba ay maasahan din ng ating lahi?" Tanong naman ng matandang lalake na nasa dulo ng mesa.

Extinction: The Curse Of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon