Prologue

18.8K 421 22
                                    

PROLOGUE
#NakawHalik

"Naku, Miss Erin ginabi ka na nang uwi!" Mabilis na umiling ang isang dalaga, habang nakangiti ito at nagliligpit ng gamit.

"Ayos lang po, Ma'am Betty. Sanay na po ako sa gabi." Sagot naman ng dalaga sa Ginang na Guro.

"Sabay ka na lang kaya sa amin?" Muling napailing ang dalaga.

"Salamat na lang po pero may dadaanan pa kase ako." Tumango na lang ang kasama nitong Ginang.

May activity ang school kung kaya't naging abala din ang mga teachers. Gabi na din natapos ang events.

Kasama sa activities ang mga OJT-teachers, kabilang na doon ang dalagang si Caroline Erin Hunstman.

Sa susunod na buwan ay gagraduate na ito sa kursong Education, sa edad na dalawang pu't dalawa.

Gusto ng dalaga ang pagtuturo kaya Education ang kinuha nito. She loves teaching children.

Kahit doon sa bahay ampunan na pinamamahala ng kaniyang tita Heresa ay nagtuturo ang dalaga sa mga bata doon, kapag wala siyang pasok sa school.

Nirespeto naman nila Connor at Carolina ang desisyon ng nag-iisang babae nilang anak.

"Ingat sa pag-uwi, Miss Erin."

"Ingat din po kayo sa pag-uwi, Ma'am. Kung may kakatok sa gitna ng daan ay huwag niyo na pong babaan baka nakaw modus po iyon." Paalala ng dalaga na agad naman kinatango ng matandang Guro, nasa labas na ng pinto.

"Oo nga at uso ngayon ang katok modus gang! Marami nang napapabalita ngayon sa mga ganoong modus. Naku dapat ka rin talagang mag-ingat sa pag-uwi, Miss Erin!" Tumango tango naman ang dalaga sa pagpapaalala ng Guro.

"Sila po ang mag-ingat sa pagnakaw sa'kin, baka sila po ang putulan ko." Pahabol ng dalaga sa Guro, na kinangiti at iling ng matandang guro.

MAG-ISANG lumalakad ang dalaga sa daan papuntang main road. Dahil sa ganitong oras ay wala nang dumadaan na tricycle.

Gamit ang flashlight ng kanyang cellphone ang kanyang naging ilaw.

Hindi naman takot ang dalaga sa dilim at lalong hindi takot lumakad mag-isa sa madilim na daan.

Baka ang dilim at mga multo pa ang matakot sa dalagang Hunstman.

Nasira kase ang kotse ng dalaga kahapon at nandoon sa car shop, pinapaayos.

Bagong bili ang kotse ng dalaga ngunit kung magpatakbo ito ay daig pa ang isang car racer, kaya siguro sumuko ang kotse mula sa kamay ng dalaga.

Ika nga, inosente ngunit nasa loob ang kulo. Kumukulo lalo kapag pinapainit.

Katamtaman lamang ang ilaw mula sa mga poste at mangilan lang din ang mga kabahayan na dinadaanan ng dalaga, pero keri lang.

Medyo liblib din kase ang lugar na kinaroroonan ng School, dito sa Baryo ng Catalina, dito nadestino ang dalaga sa pag-oojt. Dito din niya gustong magturo kapag nakapasa sa board.

Mapapadaan ang dalaga sa basketball court.

Napayuko ito at hindi pinansin ang mga taong naglalaro pa doon sa ganitong oras.

Mag-aalas niyebe na ng gabi ay may naglalaro pa rin na magbabarkada.

Lumakad lang sa gilid ang dalaga pero bigla itong natigilan ng may humintong bola sa harap niya.

Nag-angat siya ng tingin.

Isang matangkad na lalaki ang nasa unahan niya. Nagyoyosi at may kakaibang ngisi sa mukha habang bumubuga ng usok sa harap niya.

Hunstman Series #:9- The Innocent DaughterKde žijí příběhy. Začni objevovat