Chapter 16

8.9K 265 9
                                    

ERIN Pov's:
#Birthday

"Ma'am Erin.." Nag-angat ako ng tingin at nakita si Suspetsado sa harapan ko, naiilang ang mukha nito.

Lunch break ngayon at kakapasok ko pa lang nang puntahan niya ako dito sa lamesa ko. Si Ma'am Betty naman ay hindi pa nakapasok dito sa loob.

"Hi, kamusta ka at mga kapatid mo?" Binalik ko ang lipstick sa bag bago siya hinarap.

"Ayos lang po kami, Ma'am. Maraming salamat po muli sa tulong niyo ni Kuya Raven." Nakangiti nitong saad na kinangiti ko.

Nabalitaan ko na hindi na daw sumusugal ang tatay nito at may trabaho na nga para isustento sa pamilya nito. Nasa bahay na lang ang nanay nila para alagaan sila at hindi na ito nagtatrabaho pa.

Sobrang tuwa ko nang malaman na naging mabuti ng ama ang tatay nila at hindi na sila sinasaktan pa gaya nung dati na laging lasing sa sugalan.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa ama nila. Pero siguro nakonsensya din ito sa mga ginagawa nito.

"Wala iyon. Ano palang kailangan mo sa akin?" Nakita ko sa mga mata nito na parang nag-alinlangan pa siya.

"B-birthday po kase ni Sunshine ngayon at may konting salo-salo po mamayang gabi.. Sabi po ni Nanay na kung pwede po ba na makapunta kayo ni Kuya Raven?" Sambit nito.

Napaisip naman ako kung dadalo ba ako pero kita ko sa mga mata nito na nais niya kaming makapunta doon.

"Sige pero try kong kausapin ang Kuya Raven mo kung makita ko siya." Naisabi ko na kinangiti nito ng malapad bago bumalik sa upuan nito.

Ilang sandali ay sunod-sunod na ang pagdating ng mga estudyante, hanggang sa pinagpatuloy ang klase at matapos ito. Ang bilis lang ng oras.

"Ma'am, intayin po namin kayo." Paalala muli ni Suspetsado bago ito mabilis na lumabas. Napailing ako.

"Miss Erin, mauna na ako sa iyo." Napatingin ako kay Ma'am Betty at ngumiti na tumango sa kaniya.

"Sige po ingat po kayo, Ma'am." Saad ko at tumango naman ito bago lumabas ng silid. Ako na lang naiwan.

Inayos ko ang sarili at pati na din ang lipstick ko bago ako lumabas ng silid. Saktong na lock ko na ang pinto nang marinig ang pagdating ni Tonette.

"Miss Erin! Tara na!" Nasa flag pole area pa lang ito ay sinigaw na agad ang pangalan ko habang kumakaway.

Sinamaan ko agad siya ng tingin nang makalapit ako sa pwesto nito. Minsan talaga nakakahiyang isama ang babaeng ito kase naman ikaw pa ang maiilang sa bunganga nito.

"Mukhang bahay mo lang ba itong school na ito, ha? Kung makasigaw ka daig mo pa ang isang conduktor sa bus." Sita ko na kinangisi lang nito.

Lumibot ang tingin nito sa paligid bago nagpeace sign sa akin. Nakatingin sa amin ang ibang mga estudyante na papauwi na din.

"Nakita ko kase sa labas ng gate si loverboy mo at hinihintay ka na! Inggit talaga ako sa lovelife mo, besh! Sana all! Habang ako.."

Tumigil ito at agad nag-iwas ng tingin.  Pero kita ko ang pagpiyok sa boses nito at ang paglungkot sa mukha.

"Hindi pa ba kayo nagkaayos ni Sam?" Huminto siya sa paglakad at ganun din ako. Pilit ang ngiti sa mukha nito nang tingnan ako.

"Bahala siya sa buhay niya kung ayaw niya akong kausapin! Kung gusto niyang makipaghiwalay edi go ako! Ang dami kayang may crush sa beauty ko, duh!" Pasupladang pag-irap nito sa hangin.

Hunstman Series #:9- The Innocent DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon