Chapter 33

5.5K 143 2
                                    

ERIN'S POVS:
#Pagsubok

"M-magpapaliwanag ako, mahal.."
I saw fear on his eyes. Akma niya akong hahawakan pero umatras ako.

Umiiling na pinipigilan ko ang pagtulo ng mga luha ko. My tears are not worth it to cry on this bastard.  He broke my heart into pieces. He hurt me two times on this day.

"Huwag ka ng magpaliwanag pa dahil kitang-kita ko ang mga ebidensya ng kagaguhan mo! Maliwanag na niloko mo ako ng husto, Raven!" Sigaw ko at tuluyan ng napaiyak. Sumisikip ang dibdib ko.

Nakikita ko pa sa utak ko ang mga litrato nito na hubo't hubad kasama ang babaeng iyon. Pareho silang hubad at naghahalikan sa kama. Malinaw na may nangyari sa kanila at malinaw na nabuntis nito ang babae.

"M-mahal—"

"Wala kang karapatan na tawagin ako sa ganiyan! Manloloko!" Muli kong sigaw na kinatigil nito. Nakita ko ang sakit at panlulumo sa mga mata nito habang nakatitig sa akin.

Mas masakit pa ito sa kaysa noong una niya akong sinaktan. Napahawak ako sa dibdib ko. Sobrang sakit ng pagtibok nito, hindi ako makahinga.

"C-caroline.. magpapaliwanag ako dahil—"

"Magsama kayo ng babae mo total buntis naman iyon! And from now on, you are not my boyfriend anymore. We're done and don't try to explain yourself, it's because I already saw your disgusting behavior! Goodbye!" Iniwan ko na ito at mabilis na bumalik sa silid para balikan si baby Roy.

"M-mahal.. bigyan mo naman ako ng pagkakataon na magpaliwanag. Mali ang nakikita mo—"

"Don't try to block my way, Raven! I swear, papatayin kita—"

"Hindi kita pipigilan na umalis pero ang lahat ng nakikita mo ay isang kasinungalingan! Damn it!" Kita ko ang sakit sa namumulang mga mata nito. Tuloy-tuloy na akong lumabas habang hindi na pinapakinggan ang mga sinasabi nito.

Mabilis akong nag-abang ng taxi at nagpahatid sa apartment ko. Tulog na tulog si baby Roy sa balikat ko kaya malaya kong nailalabas ang mga luha ko. Durog na durog ang puso ko.

Pagdating sa apartment ko ay inihiga ko sa kwarto si baby Roy, sakto naman na tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko at si Mommy ang caller.

"Hello, Mom.."

"Anak, umuwi ka muna dito sa bahay dahil sabay tayong pupunta sa lolo Colorado mo na nakaconfine ngayon sa hospital.." Bungad ni Mommy na saglit kong kinatigil.

"What happened po to Lolo Colorado?" Kinakabahan na sambit ko. Lalong sumakit ang dibdib ko.

"Inatake siya sa puso kaninang umaga. Medyo hindi pa maayos ang lagay niya ngayon sa hospital. Nandoon na ang mga Tito at Tita mo para bantayan ang Lolo mo." Damang-dama ko ang kaba sa boses ni Mommy.

"Sige po didiretso ako diyan sa bahay." Sagot ko.

"Okay, anak. Mag-iingat ka." Binaba na nito ang tawag at binalik ko naman sa bag ko ang phone ko bago pikit mata na napabuntong-hininga.

Iyong kilig at saya ko kanina ay napalitan ng dalawang sakit. Totoo nga ang kasabihan na may kapalit na pighati ang sobrang kasiyahan. Kinakarma din pala kung sobrang saya ang tinatamasa mo. Nakakatakot.

"Good evening, Miss Erin." Bati sa akin ng isang tauhan ni Dad nang buksan nito ang gate nang makarating ako ng bahay namin.

"Good evening din." Bati ko bago pumasok sa loob habang tulog pa din sa balikat ko si baby Roy.

Hunstman Series #:9- The Innocent DaughterWhere stories live. Discover now