Chapter 30

5.7K 130 2
                                    

Erin povs:
#Basted

"Ano kayang nangyari sa lalaking iyon? He wasn't showing me for two days! Argh! Makakatikim iyon ng suntok ko." Mahina kong bulong habang nagmumuni dito sa loob ng classroom ko. Naiinis ako.

Break time naman kaya nasa labas pa  ang mga students ko. Ilang beses ko ng tinitigan ang cellphone ko kung may text siya pero wala akong natatanggap.

Nakipagmireyenda ba ang lalaking iyon sa witch na babaeng iyon?!

I swear! He were going to face my wrath.

"Hoy, babae! Ano namang binubulong-bulong mo diyan? Baliw na? Kailangan na ba kitang dalhin sa mental?" Paglitaw ni Andrei sa pinto ko dahilan para samaan ko ito ng tingin.

Pumasok na ito at naupo sa bangko na kaharap ng lamesa ko. He made cross legs while looking at me.

"I'm not crazy and I don't need mental hospital for my craziness, right now!" Asik ko. Tumawa naman ng mahina si Andrei bago ito pumalumbaba sa armchair.

"Ano bang problema mo, girl? Buntis ka ba? Muli ko na naman ito sinamaan ng tingin.

Paano naman ako mabubuntis kung hindi pa nga nakahome-base si Raven?

"Hindi ako buntis. Sadya lang na mainit lang ang ulo ko ngayon." Paliwanag ko naman nang mapatingin ako sa phone ko nang magvibrate iyon sa tabi ko.

Kinuha ko iyon at sinagot.

"Hello, Kuya Tonio?" Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Andrei na hindi ko na pinansin sabay tayo ko at talikod.

"Hi, Caroline. Nakaabala ba ako sa klase mo?" Pag-alangan na tanong nito sa kabilang linya.

"Hindi naman break time kase. Bakit napatawag ka?" Pag-iling ko.

"Ah.. libre ka ba mamaya pagkatapos ng class mo?" Medyo nag-aalangan pa ang boses nito sa kabila. Typical na parang nahihiya.

Were he going to date me outside?

"Oo. Bakit?" Sagot ko na lang. Gusto ko sanang puntahan si Raven pero naiinis ako sa hindi niya pagtawag o maski text man lang sana.

Was he angry because of what happened on my apartment, last night?

Nagalit ba siya dahil pinauwi ko? Kita ko kase sa mga mata nito kagabi na ayaw pa nitong umuwi at gusto pa akong makasama. Ang hirap naman magtampo ng lalaking iyon.

"Okay. I'll wait for you outside, later." I felt his happy tone and I know he was smiling right now.

"Okay. Bye." Ini-end ko na ang tawag.

Napapikit ako at huminga ng malalim sabay harap ko kay Andrei. Nakataas pa din ang kilay nitong nakamasid sa akin. Umayos ako ng upo.

"Sino ba iyon? Si Raven ba?"

"Si kuya Tonio. My best friend's brother. Hihintayin daw ako mamaya." Pag-iling na sagot ko.

Hinihintay ko pa din ang tawag ni Raven hanggang ngayon. Nag-aalala na ako kung may masama bang nangyari sa kaniya. Pero maghintay muna ako bago siya puntahan sa bahay niya at baka talaga busy lang siya sa buhay fighter niya.

Makakita na naman ako ng sugat sa katawan niya ay malilintikan na iyon sa akin!

"Oh! Isang date ba iyan ng panliligaw o date lang bilang kuya mo o kaibigan?" Muli akong napabuntong-hininga kay Andrei.

Hunstman Series #:9- The Innocent DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon