Epilogue

8K 186 10
                                    

"Daaadddyyy!!!" Muntik ng mapasubsob sa paglalakad niya si Raven nang makarinig ng matinis na hiyaw ng isang babae.

Isang dalagita ang biglang lumabitin sa leeg niya na kinakunot ng noo niya.

"Teka, Miss. Sino ka ba? Kilala ba kita?" Tanong niya pagkalas niya sa mga braso ng dalagita.

Maputi ang babae at maganda. Medyo singkit ang mga mata nito at nakabuns na parang sa anime ang dalawang hati sa gitna na buhok nito. Suot ang kulay pink na kimono nito.

"No, Dad! But let me introduce myself, I'm Hayaki Takashi. Half Filipino, half Japanese. 16 years old. And your son's future girlfriend!" Bumungisngis ang dalagita sa harap ni Raven at napapatakip pa ng bibig nito.

May sa topak ba ang dalagitang ito? Dalhin ko kaya sa mental, okay lang?

Anang isipan ni Raven na dinaan sa biro ang pagtataka nito.

"Huh? Future girlfriend ng anak ko? Sino ba sa mga anak ko?"

Natural na magtaka ako dahil apat na lalaki ba naman ang anak ko.

Anang muli ng utak ni Raven.

"Si Rave Calvin po, Daddy!" Sagot ng dalagita at muli na naman napabungisngis na parang kilig na kilig ito sa binanggit na pangalan.

Confirmed. May sa topak nga ang dalagita. Nanganganib ang pasensya ng binatilyo ko pagnatuluyan nito!

Anang makulit na utak ni Raven.

"Hey, woman! What are you doing with my Dad?" Biglang sulpot ng binatilyo ni Raven. Kunot noo ito at hindi maipinta ang mukha.

Eto na ang Englisero kong binatilyo na panganay sa kambal. Masungit at pinaglihi sa manggang hilaw!

"Hi, boyfie! Nagpapakilala lang ako kay Daddy! Diba dapat makilala niya ang girlfriend ng anak niya? At saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap dahil sabay tayong maglulunch, diba?" Pagnguso ng dalagita.

Tumaas naman ang kilay ng binatilyo ni Raven. Nakikinita na niya kung paano mawalan ng pasensya ang anak sa dalagita. Maiksi pa naman ang pasensya nito sa mga bagay.

"I'm busy with my studies. Not for flirting with ladies. So, will you please shut up and leave alone my Dad?" Asik ng binatilyo.

Pero para sa dalagita ay kinikilig ito sa pagsusuplado nito. Mas gusto nito ang pagkaseryoso ni Rave dahil bagay sa katulad niyang makulit.

"Anak naman, nagka-crush lang ang tao sinisita mo na pero bagay kayong dalawa. Pero siyempre pag-aaral muna ang ipriority niyo." Pangaral naman ni Raven at saka lumapit sa anak para tapikin ang balikat nito. "Birthday ng Mom mo bukas. Punta ka, ha."

"Yes, Dad. I will." Tugon ng binatilyo ni Raven. Sa edad kase nito na disi siete ay may sarili ng condo kung kaya't hindi na ito umuuwi sa kanilang bahay.

"Sige, alis na ako." Paalam ni Raven.

"Bye, Dad! Ingat po kayo sa pag-uwi! I hug mo na lang po ako kay Mommy! Thank you po!" Pahabol naman ng dalagita na kinangiti at iling na lang ni Raven bago na ito tuluyang umalis.

Kailanganin ng mag-aral ng pasensya ng anak ko para sa dalagitang iyon. Dahil kung hindi ay kukulubot ang manoy ng binatilyo ko. Hahahaha!

Hunstman Series #:9- The Innocent DaughterDonde viven las historias. Descúbrelo ahora