Chapter 3

10.1K 287 7
                                    

ERIN
#Caller

"What is the square root of 100?"

Erin maldita!
Erin maldita!
Erin maldita!

Napatigil ako sa klase ng biglang tumunog ang cp ko, nakalimutan ko 'yatang isilent. I get the cp from my bag, para tingnan ang caller at para  isilent na din. Disturbo sa klase ko!

Kumunot ang noo ko pagkakita sa unregistered number. Balewalang kinancel ko iyon bago i-low ang mood ng ringtone ko.

Another modus.

I continued my lessons. After a minute I felt my cp was vibrating, again. Lihim kong kinuha iyon sa bag at tiningnan, unregistered number.

Nainis ako kaya ini-off ko na lang ang cp ko. Shit that caller for disturbing my class. Walang magawa kundi magmodus. Walang ibang pagkakitaan kundi ang magmodus.

I continued my lessons, again. Wala pa rin si Ma'am Betty kaya ako muna ang humalili sa kaniya.

Ilang weeks pa ang nalalabi sa aming ojt. Kasunod noon ay ang graduation. Pagkatapos ng graduation ay review for the LET. Doon na masusubok ang talino ko kung papasa ba ako bilang Guro, for professional Teacher.

I sighed. I've been hoping to pass the Examination Exam.

The Bell rang. Signed for lunch break.

"Good bye, Miss Hunstman!"

"Good bye, Class! Enjoy your lunch break!"

Pagkalabas ng mga estudyante ko ay nag-ayos na din ako ng gamit ko. I even fixed my face, dahil pakiramdam ko ay ang lagkit na ng mukha ko, parang oily. Hindi naman ako gumagamit ng mga beauty products.

Napatingin ako sa labas sa may bintana. Dahil siguro sa mainit na panahon. Ang sakit nga sa balat.

Marso pa lang ang init na ng panahon, dahil siguro malapit na rin ang summer. I love summer.

Kailangan lagpas sa sampo o higit pa na baso ng tubig ang kailangan inumin sa isang araw, para maiwasan ang dehydration or stroke.

Especially for older people.

Kaya sinisiguro ko na laging may laman na tubig ang tumbler ko. May baon ako sa bag ko.

Hindi ako mabubuhay ng walang tubig. Water is life. Water is saver, for me and for all people.

"Besh! Tara na at gutom na ako!" Bungad sa pinto ni Tonet. Pinandilatan pa ako at halata sa mukha nito na gutom na nga siya.

"Marami na ba ang alaga sa tiyan mo?" I teased her. She smirked at me.

"Pinagod ako kagabi ni my love, so yeah, I'm hungry!" Mahina itong humalakhak sa kaniyang sinabi.

Napatirik ang mga mata ko sabay irap at sinukbit na ang bag ko.

"Gaga talaga."  Mahina kong sambit.

Lumabas na kami ng silid. Lumakad palabas ng school. Sa labas ay mayroong karinderya na suki kami ni Tonet, masarap kase ang mga pagkain.

Iyong bayad mo ay sulit talaga at mapapabalik ka. Kahit medyo mahal ay ayos lang. Iba't ibang putahe din ang niluluto kada araw, kaya hindi kasawang balikan.

Habang naglalakad ay binuksan ko ang zipper ng bag ko para i-open ang cp ko, baka may text galing kay Mom or Dad or from my Brothers.

Naghintay ako ng ilang segundo bago lumitaw ang mukha ko sa screen, nakasimangot. May period ako nito ng kuhaan ko ang sariling mukha.

Hunstman Series #:9- The Innocent DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon