Chapter 34

5.8K 128 3
                                    

ERIN POVS:
#Nagkaunawaan

"Edi kasalanan mo kapag nawala si Raven sa iyo!"

"Hindi ka isang tunay na Hunstman kung hindi mo kayang ipaglaban ang pagmamahal mo."

Those words of my Mom echoed throughout my mind. Paulit-ulit iyon sa utak ko kahit nagtuturo ako, kaya muntik ko na ngang mabanggit ang pangalan ni Raven sa klase ko.

"I need to hear his explanation.." Bulong ko habang nandito sa tapat ng bahay niya. Dito agad ako dumiretso pagkatapos ng klase ko.

Mababaliw lang ako kakaisip sa kaniya at mahal na mahal ko si Raven na ganoon ko lang siya bibitawan. Handa akong tanggapin ang paliwanag niya at handa ang sarili ko kung anuman ang desisyon nito.

Akma akong kakatok sa pinto nang bumukas iyon. Agad nagkatitigan ang aming mga mata, kita ko ang gulat sa nangingitim nitong mga mata na halata ang kulang sa tulog doon.

Magulo ang medyo mahabang buhok nito pero napakagwapo pa din niya sa akin. May konting balbas na din ang tumutubo malapit sa labi nito. Hindi din nakaayos ang damit nito kaya kita ko pa ang mga bagong sugat nito na parang dinaanan lang ng punas at hindi nagamot ng tama.

"C-caroline.." Nakita ko ang ningning sa mga mata nito at ang paggalak sa boses nito. Nakonsensya ako sa pang-ewan ko at namimis siya.

"H-hi.." Tanging nasabi ko.

"Pasok ka, mahal!" Taranta nitong sabi at agad na tumagilid para buksan ng malaki ang pinto.

I miss him calling me on that term.

Napahinga ako ng malalim bago pumasok sa loob. Gaya ng una kong pagtungtong dito sa bahay niya ay wala na naman sa ayos ang mga damit nito ngayon. Ang hilig talaga nitong magkalat ng mga damit nito.

"P-pasensya na, mahal.. naabutan mo na naman ang kalat ko." Dali-dali naman nitong inayos ang mga damit nito at pinasok sa loob ng silid nito bago ito lumabas at hinarap ako. Napapakamot ito sa batok.

Kinuha ko naman sa bag ang mga first aid kit na kinuha ko pa sa bahay. Alam ko kase na ganito ang madadatnan ko sa katawan ng lalaking ito. Ang hilig magpabugbog sa katawan at balewala lang dito na sobra akong nag-aalala sa sarili nito.

"Maupo ka dito." Agad naman itong naupo sa gilid ko. "Maghubad ka." Agad na bumuhay ang ngisi nito.

"Mahal, miss mo na talaga ako, no? Hindi ka na galit at gagawa na ba tayo ng little junior natin—fuck!"

Malutong na mura nito nang sapakin ko ang sariwa nitong sugat sa braso bago ito samaan ng tingin.

"Umayos ka, Raven Lavares, kundi bibigyan ko ng sugat ang gwapo mong mukha!" Ngumisi na naman ito ng nakakaloko bago tumango.

"Mahal ko pa itong gwapo kong mukha dahil dito nainlove ang mahal kong babae!" Preskong sagot nito bago dumikit ng upo sa akin.

Napabuntong-hininga ako bago kinalma ang sarili. Nilabas ko na ang cotton at betadine para ilinis sa sugat nito. Nang matapos ako ay sinuot na muli nito ang puting sando nito.

"Raven." Tawag pansin ko.

"Mahal?" Sumeryoso naman ito nang makita na seryoso na ako.

"Ikaw ba ang ama ng pinagbubuntis ng babaeng iyon?" Tukoy ko sa witch na babaeng iyon na hindi ko na alam kung ano ang pangalan noon.

"Hindi, at hindi mangyayari iyon." Mabilis na pag-iling nito. Bigla naman nawala ang bigat sa dibdib ko. Pero hindi mawala sa utak ko ang mga larawan na iyon. "Ikaw lang ang babaeng mahal ko na magdadala ng mga anak ko, Caroline Erin Hunstman." Tapat nitong bigkas.

Hunstman Series #:9- The Innocent DaughterWhere stories live. Discover now