Chapter 37

5.8K 144 2
                                    

ERIN'S POVS:
#Sinugod

"Sinugod ako ng natalo kong fighter!" Pag-igting ng panga nito dahil sa galit bago nito ako hinila sa kamay. "Mahal, magtago ka muna dito sa loob ng kabinet at huwag kang lalabas hanggang hindi ako ang magbukas nito."

Binuksan nito ang kabinet at pilit akong pinapapasok pero umiling ako.

"Ayoko, Raven! Hindi kita iiwan!"

"Huwag ng matigas ang ulo mo, mahal! Pasok na!" Sapilitan niyang hinawakan ang beywang ko at ipinasok ako sa loob. "Ligtas ka dito at huwag na huwag kang lalabas."

Utos nito bago sakupin ang lips ko ng ilang segundo bago bumitaw. Nagkatitigan pa kami bago nito sinarado ang kabinet kasabay din nun ang pagkalabog ng pinto dito sa silid.

Nakaupong napasiksik ako sa mga damitan habang kinakalma ko ang sarili. Dinig na dinig kong may nagsusuntukan sa labas na sinasabayan ng pagmura.

Alam ko ang boses ni Raven kaya hindi galing sa kaniya ang mga daing na iyon na parang nasasaktan.

"Gago ka! Sana nga tinuluyan na kitang patayin dahil sa panggagahasa mo kay Britany!" Natigilan ako nang marinig ang galit na boses ni Raven.

Ginahasa ang witch na babaeng iyon?

Nakarinig ako ng malakas na halakhak na galing 'yata sa kasuntukan ni Raven.

"Nakakainis kase ang babaeng iyon na ikaw ang mahal imbes na ako na nasa tabi lang naman nito! Kaya ginahasa ko na para makuha ko! Ang sarap ng babaeng iyon—pota!"

Nakarinig ako ng galabog na parang may natumba sa sahig. Pagkatapos nun ay may nagsusuntukan muli. Pero ang siyang kinalundag ko ay ang putok ng isang baril. Kasabay nun ang kakaibang tawa nung lalaki.

"So, papatayin na kita para wala na akong kaagaw kay Britany! Ang gago mo dahil nagawa mo pa akong buhayin! Ngayon ay ikaw ang una kong ibabaon sa hukay!"

Bigla akong kinutuban ng takot na si Raven ang tinutukoy ng lalaki. Ubod lakas kong tinulak ang pinto dahilan para bumukas iyon at lumabas ako. Napaluha ako nang makitang nakahandusay sa sahig si Raven habang dumudugo ang tiyan nito.

"Raven!" Sigaw ko at akma itong lalapitan nang may humablot ng buhok ko sabay tutok ng baril sa ulo ko.

"Raven!" Bigla naman pagsulpot nung Britany at mabilis nitong dinaluhan si Raven. Umiiyak na niyakap nito si Raven habang si Raven naman ay napamura at kita ko sa mga mata nito ang takot na may pag-alala habang nakatitig sa akin.

"Fuck! Bitawan mo siya!" Tumayo si Raven at nagwala ito habang panay naman ang hawak sa kaniya nung Britany. Sinamaan ko iyon ng tingin.

"May babae ka pala na tinatago dito! Hhmm.. Mas maganda at makinis kaysa kay Britany. Patikim din ako!" Nangilabot ako sa pag-amoy ng gagong lalaking ito sa may batok ko. Humigpit ang hawak nito sa buhok ko nang magpumiglas ako.

Isang salita na lang ay babaugin ko 'to.

"Subukan mo kundi sabog ang bungo ng babaeng ito!" Mapanganib na banta ni Raven.

Napakurap ako nang makitang nakasabunot din si Raven kay Britany habang nakatutok ang baril niya sa ulo nito. Kita ko kung paano mangiwi sa sakit si Britany na mukhang nagulat din dahil sa ginawa ni Raven. Pansin mo ang takot sa mukha ng babae na ayaw nitong mamatay.

Hunstman Series #:9- The Innocent DaughterWhere stories live. Discover now