Special Chapter (Britany and Luhen)

5.6K 97 1
                                    

BRITANY POVS:

"Jake, nakita mo ba si Raven? Gusto ko kase siyang makausap." Tanong ko sa kaibigan nito.

Ilang linggo na kaseng hindi nagpapakita sa akin si Raven kaya pumarito na ako dito sa mafia underground. Isang illegal na fighting underground kung saan nagpapatayan ang mga manlalaro.

"Nandoon sa silid niya, room 1812. Puntahan mo na lang." Tugon nito habang abala sa cellphone nito.

"Salamat." Sabi ko bago umalis at hinanap ang silid nito.

"Britany." Napalingon ako nang tawagin ni Jake. "Ayos ka lang?" Seryoso nitong tanong pero may konting pag-alala sa mukha nito.

Tumango lang ako at hindi na ito sinagot. Paika-ika na lumakad na ako.

Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasan alalahanin ang nangyari kanina kung paano ako nakapasok dito. Kasabay ng nangyari kanina ay ang pagkamuhi ko. Pero nangyari na dahil hindi ka makakapasok dito sa loob kung hindi ka member.

"Gusto ko talagang makita si Raven Lavares, kapatid niya ako. Nanganganib ang Nanay namin sa ospital kaya kailangan kong humingi ng pera!" Peke akong napaiyak sa harapan ng dalawang malalaking tao na pawang nakablack suit. Isang sipa nila ay tiyak patay ako.

"Hindi talaga pwede kung walang black card, Miss. Hintayin mo na lang dito ang Kuya mo at ipapatawag namin—"

"Ayokong biglain ang Kuya ko na nanganganib ang buhay at baka matalo pa iyon sa laro nito!" Giit ko. Naiinis na ako sa dalawang ito.

Gusto ko ngang landiin pero siyempre kay Raven lang ako lalandi, no!

"What's happening here?" Sabay kaming napalingon sa likod ko.

Isang matangkad at nakablack suit na lalaki ang nakatayo doon. Seryoso ang mukha pero may appeal at gwapo. Pero nakakatakot 'yata ang presensya nito at parang panganib ang dala.

"Itong babae kase Boss matigas ang ulo. Hinahanap ang Kuya niya, e, hindi naman pwedeng makapasok sa loob kung walang black card o member."

"Pero kapatid naman ako ni Raven Lavares!" Maagap kong kontra doon sa kaliwang lalaki.

Nakita ko ang pagtaas ng kilay nung matangkad na lalaki at hindi ko alam pero gumalaw ang bagang nito at napakuyom ang mga kamao nang banggitin ko si Raven.

Ang tingin nito ay nasa dalawang guard bago nagslow motion ang paglipat ng titig nito sa akin. Napakurap ako at napalunok nang humakbang ito sa harap ko sabay ngisi nito at akbay sa akin.

"She's my girlfriend. So, she's with me." Sabi nito sa akma kong pagpumiglas nang matigilan naman ako sa sinabi nito.

Tiningnan ko ito ng masama at akmang aalisin ang braso nito pero mas hinapit pa ako nito sa katawan nito. Dumikit ako sa matigas nitong dibdib na nagpakilabot sa katawan ko.

"Excuse me—"

"Magpanggap ka na lang kung gusto mong makita sa loob ang kapatid mo." Napakislot ako dahil binulong nito iyon sa punong tenga ko.

Nangilabot muli ang katawan ko at pakiramdam ko ay may boltaheng nananalaytay sa bawat ugat ko dahil sa mainit nitong hininga. Pero agad kong sinuway ang sarili.

Hunstman Series #:9- The Innocent DaughterWhere stories live. Discover now