Chapter 1

13.2K 300 4
                                    

ERIN
#Baliw

"WHAT??!!" Mabilis kong natakpan ang bibig ni Tonet bago kiming ngumiti sa paligid.

Nakita kong sa amin lahat ang atensiyon ng mga nandirito.

Masamang tingin na binalingan ko ito habang nakataas ang isang kilay ko bago kinuha ang inorder kong burger.

"Isang hiyaw mo pa at buong hamburger na ang ipapasok ko diyan sa bunganga mo!" Mahina kong pagbabanta.

"Sensya, nadala lang ng kilig!" Ngumisi ito bago isinenyas ang daliri pazipper sa bibig nito.

"So, isisigaw mo talaga agad ng malakas?

"Sensya na nga po, Mother Erin?" Sabi nitong pinagdaop ang mga kamay sa dibdib at yumuko yuko sa harap ko.

Parang Japanese greetings ang peg nito. Kunsabagay ay animenatics ito.

"Tsk. Sira!" Napaikot ang mga mata ko at sabay kaming napatawa ng mahina sa kalokohan.

Tonet is my bestfriend since Elementary. She's the daughter of Tito Bogul, my Lolo's Conrado Bodyguard.

She's slightly taller than me. Slim body. Maputi at makinis ang kutis. Mahaba at hanggang balikat ang blonde na buhok, dahil sa dye hair. Maliit ang mukha at medyo may pagkasingkit ang mga mata, matangos ang ilong at manipis ang labi.

Tonet is beautiful, like me.

5'5 naman ang height ko. Sakto at may laman ang aking katawan. Maputi at makinis din ang balat ko. May maamo daw akong mukha. Sakto lang din ang sukat ng mga dibdib ko. May pinagmalaki din ako sa'kin hinaharap.

Habulin ako ng guys ngunit hindi ko sila hahabulin.

Pero sa lalaking nagnakaw ng halik ko kagabi ay hindi ko man lang napansin ang galaw, kaya hindi ko na maibabalik ang ninakaw niya.

"Erin!" Napapitlag ako ng sikuhin ako ni Tonet.

"Hm?" Tumaas ang kilay ko sa mapanukso nitong ngiti.

We're having our lunch break here in the canteen while chatting our OJT experiences in the past few days.

I'm handling grade five while Tonet is grade two.

Nakakastress lalo't Elementary Students ang handle. Focus and patience is the key kung ayaw mong dagdagan ang stress sa buhay mo.

As a future Teacher ay hindi pala madali ang pagtuturo. It's hard, mas matigas pa siguro sa bato. Tsk.

Akala ko noon ay uupo at tatayo lang ako habang nagsasalita sa harap ng pisara, pero hindi pala.

Mas stress pa pala kaysa nag-aaral ka. Parang bumalik ka lang nga sa pag-aaral. Tiyak babalik ka din sa pagkateen-ager mo.

Tiyak babalik din ang wrinkles mo.

Lalo na sa paggawa ng Lessons Plan. Dapat mo talagang tutukan ng maigi. Hindi lang lessons plan kundi pati na din ang ugali ng mga students mo.

Dapat din ay may gawin ka upang hindi maging boring ang iyong klase. A small entertainment or exercise.

Habang nagkukuwentuhan kami ni Tonet ay naisatinig ko ang pagnakaw halik sa'kin ng hindi ko kilalang lalaki.

Kaya ang ending ay napakwento ako sa nangyari kagabi.

"Gwapo ba ang magnanakaw mo?" Napaisip ako sa tanong ni Tonet bago umiling.

"Hindi. Wala naman sigurong magnanakaw na gwapo? Nakataas kilay kong sambit.

Nakita ko ang pagtaas din ng kilay ni Tonet habang may nanunuksong ngiti.

Hunstman Series #:9- The Innocent DaughterTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang