Chapter 31

5.9K 171 4
                                    

ERIN POVS:
#Roy

"Good morning. Pwede po ba magtanong kung saan ang bahay ni Raven Lavares?" Tanong ko sa may edad ng lalaki habang hubad baro itong nakatambay dito sa eskenita.

"Doon sa kanan at lumiko ka lang tapos baybayin mo na ang daan at sa pinakadulo nun ang bahay niya." Sagot naman nito na agad kong kinatango at pasalamat bago umalis.

Limang araw man lang kaseng walang pakita sa akin ang lalaking iyon. Sa limang araw na iyon ay wala itong tawag o text man lang sa girlfriend niya. Wala naman ito sa bahay nito na pinagdalhan sa akin kaya dito ako napadpad, nagbakasakaling nandito siya sa lumang bahay nito.

Lumiko nga ako dito sa kanan at binaybay ang mahabang eskenita. Napapatingin sa akin ang ilang mga tambay na kay umaga ay nag-iinuman na at nagsusugal sa labas ng bahay nila. Ngumingiti na lamang ako habang naglalakad ako.

"Ate! Pahingi po ng pera pambili ko ng dolce kase nagugutom na po ako!" Biglang pagharang sa akin ng isang madungis na batang lalaki. Sa tantiya ko ay nasa lima ang edad nito. Parang matagal ng walang ligo.

"Nasaan ba ang mga magulang mo? Bakit pinabayaan ka nila sa ganiyang kalagayan?" Nakaramdam ako ng awa para dito. Lumuhod ako para magpantay ang mukha namin.

"Wala na po akong Mama at Papa! Sa kalye po ako nakatira dahil tumakas po ako sa kombento! Sinasaktan po nila ako, e!" Inosente nitong pagsumbong. Humawak ako sa maliliit nitong balikat at pinunasan ang mga dumi sa mukha nang ilabas ko ang banyo mula sa bag ko.

"Alam mo ba na delikado ang tumira sa kalye? Mapanganib sa kagaya mong bata dahil madaming bad guy ang nangunguha ng mga bata ngayon para ibenta." Sabi ko at hindi ko intensyon na takutin ito pero iyon naman ang totoo.

Ilegal organization of selling children are everywhere in this country.

Mapabata man o matanda ay walang sinasanto ang mga tarantadong nasa likod ng mga organisasyon na iyon. Makakuha lang ng malaking pera, isang buhay kapalit ng malaking pera. Hindi hadlang ang kahirapan kung may mga tao talagang halang ang kaluluwa. Kahit mayaman ay sangkot sa mga ilegal na organisasyon doon.

"Ayoko po kaseng bumalik ng kombento, e! Sinasaktan lang po kami doon at hindi pinapakain kung tamad kami sa mga gawain po!" Sagot nito at napansin ko nga ang ilang pasa na nangingitim na sa katawan nito.

"Nakakaawa ka naman—"

"M-mahal! A-anong ginagawa mo dito?" Natigilan ako nang madinig ko ang malalim na boses niyang iyon.

Nag-angat ako ng tingin sa unahan ko at kita kong nakatayo si Raven habang hawak nito ang dumudugong braso. Natakpan agad ng palad nito ang sugat nang makita nito kung saan ako nakatitig, nangunot pa ang noo nito nang mapatingin sa batang kausap ko.

Tumayo ako at mabilis siyang pinuntahan. Nag-alala na kinuha ko ang kamay nakatakip sa sugat nito. Napasinghap ako nang makita na mahaba at malalim ang sugat na iyon. Galing iyon sa matalas na katana.

"S-saan mo na naman nakuha ang sugat mo? Answer me and don't lie!" Gumaralgal ang boses ko at pinipigilan ang mapaiyak. Nagagalit ako na naiinis dahil limang araw ko siyang hindi nakita at ito pa ang makikita ko sa katawan nito.

Naglumikot ang mga mata nito kung sasagutin ako nito ng tama o gagawa pa ng kwento. Alam ko naman na gangster ito at fighter sa isang ilegal na mafia underground—kung saan kabilang noon si Tito Conrad.

Hunstman Series #:9- The Innocent Daughterحيث تعيش القصص. اكتشف الآن