Chapter 36

6.1K 150 1
                                    

ERIN POVS:
#Samurai

"A-aray ko.." Daing ko nang bumagsak akong muli sa kama.

Akma akong tatayo para maglinis ng katawan nang pahamak naman itong bataan ko dahil sa sobrang kirot nito. Idagdag pa ang buong katawan ko. Grabe pala magpagiyera si Raven dahil bugbog sarado niya ako.

Tadtarin ko talaga ng kagat ang lalaking iyon! Buti nakatayo pa ito at hindi nalumpo katulad ko?

Matibay talaga ang resistance ng lalaking iyon. Dahil siguro isa siyang fighter na handang sumabak sa giyera. Kompara naman sa akin na baguhan sa giyera. Newbie kumbaga.

Bumukas ang pinto at iniluwa si Raven na tanging boxer lang ang suot. Napalunok tuloy ako sa nakakaakit na abs nito, pataas sa mamulang nga nipples nito sa dibdib, hanggang sa malaking braso nito at matatag na mga balikat, papunta sa mahulmang leeg at adams apple nito, pati na din ang matatag na panga nito, at ang pinagwapong mukha nito na bagong gising. Kahit magulo ang buhok nito ay nakadagdag lang iyon ng angas at hot dito. Nakakaakit ang gising nito.

All in all ay very manly itong si Raven.

Habang ako ay lantang gulay..

"Magandang umaga, mahal. Kamusta ang pakiramdam mo? Masakit pa ba ang bataan—aray! Mapanakit pala ang morning mo, mahal! I love you too!"

Ngising pag-aarte nito habang hawak ang parteng puso nito nang hagisan ko ito ng unan. Kay aga ay ito agad ang bungad nito. Nakakainis.

"Paano ako makakapasok nito kung binugbog mo ng husto ang bataan ko? Ilang beses kang nagpasabog ng tamod mo kagabi, ha?" Huli na para marealize ko ang ginamit kong salita.

Namula na lang ako nang makita ang nakakalokong tawa ni Raven. His laughter superseding the four corner of his room. Nakakahalina sa tenga ang morning niyang boses at tawa.

Lumapit siya sa pwesto ko habang ako naman ay sinasamaan ito ng tingin. Binalik pa muna nito ang unan sa likod ko bago ito yumuko at pinatong ang magkabilang braso nito sa gilid ko. Kaya nakakulong ako ngayon sa pagitan ng katawan nito.

Heart.. pakikalma ng tibok mo, please?

"Ikaw nga ang girlfriend ko dahil ang galing mo ng magsalita ng ganiyan, mahal." Ngisi nito bago siniil ang lips ko. Dahil nakaawang ito ay agad na gumala ang dila nito sa loob ng ng lips ko. Napaungol ako.

"R-raven! Ibaba mo nga ako!" Bigla kong hiyaw nang buhatin na parang bagong kasal kami nang hiwalayan na nito ang lips kong medyo namamaga.

"Maligo muna tayo bago kumain, mahal. Umabsent ka na din muna sa klase mo dahil masakit pa ang katawan mo. Aalagan kita." Ngisi nito na kinamula ko at sinamaan na lang ito ng tingin nang humagod pa ang mga mata nito sa kahubdan ko.

"U-umayos ka, Raven.. madugo pa ang pagkakagiyera mo sa akin!" Namula ako nang lumapad na naman ang nunuksong ngisi nito.

Girlfriend nga ako ni Raven Lavares!

Lumabas kami ng silid papunta ng kusina kung saan nandoon ang banyo. Binuksan nito ang gripo at maingat akong ibinaba para saglit na lumabas.

"Ako ng magpapaligo sa 'yo, mahal." Pahabol pa nito.

Pagpasok nito ay may dala itong takure at ibinuhos ang mainit na laman sa may balde. Lumabas muli ito at pagbalik nito ay nakashampoo na ang buhok ko. Mabilis naman nitong kinuha ang sabon at napaigtad ako sa mga palad nitong nakahawak sa balikat ko.

Hunstman Series #:9- The Innocent DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon