Chapter 2

10.9K 298 13
                                    

ERIN
#GirlsAlwaysGoodAttitude

Bakit tumitibok ang puso ko?

Tanga mo, Erin. Malamang buhay ka! Ano, gusto mo na lang din ipadukot sa lalaking iyon ang puso mo para hindi na tumibok?

Ninakawan ka nga, magpapadukot ka pa ng dibdib mo! Idagdag mo na rin siguro pati virginity mo para sulit!

Gaga ka self, tumahimik ka!

Habang papalapit kami sa basketball court ay lalo din bumibilis ang pintig ng puso ko.

Bakit ang puso ko tumitibok?

Hindi naman ganito dati ang tibok nito. Ang dating tibok nito ay normal. Ngayon ay over irregular.

Kailangan ko na talaga ang magpacheck-up kay Kuya Connor ko.

Or, it's because of that man who stole my precious kiss?

Iyong halik ba niya ay may kamandag ng isang ahas na nakakamatay?

Or a virus that easily spread all over my body, that's why even my brain and heart is affected? Ganern?

Napapitlag ako sa gulat ng biglang may sumampal sa puwet ko.

"Dinala sa pluto ang utak mo, Besh?"

"Gaga! Bawal sampalin ang puwet ko, exclusive for my future husband only." Pinandilatan ko ng mga mata si Tonet, habang hinahagod ang puwet kong sinampal niya.

Tonet rolled her eyeballs, again. Nakataas ang kilay at idagdag ang pagkakunot noo ng mukha.

"Ay taray! May karapatan magmaldita kase maganda, ganern?" Pagtalak pa nito.

"Of course! Lahat naman may karapatan magmaldita. This is Philippines." I said with a deep sigh.

"I love Philippines, but I hate our government!" Malalim nitong hugot, from the bottom of her heart.

May galit siya sa gobyerno. Hindi lang si Tonet kundi milyon pa na mga Pilipino ang kabilang din doon.

Ako, hindi ako galit sa gobyerno kundi nahihiya ako para sa mga taong nagluklok sila diyan sa posisyon.

Tapos kung may mali ay aangal ka? No way! Wala kang karapatan na magalit dahil ikaw mismo ang pumili ng magiging gobyerno mo.

By the way, that's my opinion only.

"Oh, malapit na pala ang election boboto ka pa?" Naisingit ko.

"Siyempre naman! Hindi mananalo ang kandidato ko kung wala ang boto ko!" Pagmamayabang na sambit nito. Tapos sa huli ay magagalit lang. "Sayang din ang isang daan!"

Pahabol pa nito. Sadista talaga!

"Siguraduhin mo na magaling ang kandidato mo. Baka sa huli ay pagsisihan mo iyon." Sabi ko habang nasa gilid na kami lumalakad.

In my peripheral vision, I saw him! Tumigil ito sa akma niyang pagshoot at lumakad papunta dito sa kinaroroonan na'min ni Tonet!

Nataranta ako. Shit. Is he going to steal my second kiss, again?

"Ngayon ay hindi na ako magkakamali sa kandidato ko." Napahawak ako sa braso ni Tonet sa pagkataranta. "Besh, are you okay?"

"Y-yeah! Bilisan mo na ang paglakad diyan!" Alam kong nagtataka si Tonet sa kinikilos ko.

Kulang na lang ay kaladkarin ko na rin siya para makaalis na kami sa teritoryo niya dito.

Pero napahinto kami ni Tonet ng may humarang sa dadaanan na'min.

Hunstman Series #:9- The Innocent DaughterWhere stories live. Discover now