Chapter 39

5.8K 140 2
                                    

RAVEN'S POVS:
#Positive

"POSITIVE." Nakangiting idiniin ng babaeng doctor ang katagang iyon bago ako nito tainapik-tapik sa balikat. Congratulations, Mister." Pahabol pa nito bago umupo.

Sakto naman na lumabas ang mahal ko kaya napatayo ako at mabilis siyang inalayan sa bangko.

"Positive." Mahina nitong bulong sabay abot sa akin ng pregnancy test.

"Positive." Nakangisi kong sambit nang makita ang dalawang pulang guhit sa pregnancy test nito.

Hinarap ko si Caroline at mabilis siyang niyakap ng sobrang higpit dahil sa saya ko. Napakasaya ko at nais ko pang sumigaw dahil sa saya.

Fuck! Iba ang pakiramdam na malaman mong magiging tatay ka na sa babaeng mahal mo. Na makikita mo na din sa wakas ang lahi mo. Na magiging pamilyado ka ng tao kasama ang mahal mong babae. Salamat..

"Salamat po, Doc. Aalis na kami." Paalam namin matapos pang masuri si Caroline at bigyan ng resetang gamot para sa anak namin.

"Babalik na ako kila Tonet. Baka hinahanap na 'ko nila at ng mga bodyguards ko. Ang oa pa naman ng mga tauhan namin." Sabi niya pagkalabas namin ng clinic.

Hinila ko kase siya papunta dito nang sinabi niyang buntis siya. Para makasigurado kami ay dinala ko nga siya dito at Positive! May anak kami.

Salamat tamod ko dahil magkakababy na kami ng babaeng mahal ko at tinitiyak ko na matatali siya sa akin.

"Sige, sasamahan kita. Gusto ko na din makaharap ang magulang mo para mapag-usapan ang tungkol sa atin, mahal." Sabi ko nang harapin siya at hawakan ang dalawa niyang kamay bago pinisil ng marahan.

Seryoso akong nakatitig at kita ko ang pagdaan ng saya sa mga mata niya.

"Hindi ka na ba takot harapin si Dad? Baka iwan mo na naman ako gaya ng ginawa mo dati." Medyo pagtatampo niyang saad.

Napahinga ako ng malalim bago umiling. Alam kong ang gago ng ginawa ko noon pero tama lang din siguro ang ginawa ng ama nito na layuan ko siya para marealize namin kung para ba kami sa isa't-isa.

Dahil sa paglayo ko at sakripisyo ay natupad ang pangarap niya. Dahil kung ako lang ay tiyak buntis na agad siya at masisira pa ang mga plano niya sa buhay. Alam ko na sinusubok din ako ng ama niya kung talaga bang mahal ko siya.

Noon pa man na magtapo ang mga mata namin sa basketball court ay tinamaan na agad ako ng karisma niya. Kaya nga nahalikan ko agad. Kakaibang tibok ng puso ko ang nadama ko nang maglapat ang mga labi namin. Nakakabaliw na ewan.

"Noon pa man ay handa akong harapin ang ama mo. Lumayo ako noon para din sa pangarap mo, mahal. Ngayon ay hindi ko na uulitin ang ginawa ko at tinitiyak ko na makukuha kita sa ama mo."

Hinapit ko siya sa beywang bago ko halikan ang noo niya at niyakap siya. Heto na naman ang nagmamahal kong puso, kay bilis ng pagkabog. Si Caroline lang ang nagpapadama ng ganitong tibok sa puso ko.

Hindi ko na pakakawalan ang babaeng ito dahil mas nababaliw lang ako kapag napalayo ito sa mga bisig ko. Hindi man ako perpekto pero sinisigurado ko na ipapadama ko ang tunay kong pagmamahal sa kaniya.

Iiyak siya sa pagmamahal ko, hindi sa hinagpis kundi sa saya at sarap.

"Raven, gusto kong kumain ng hilaw na mangga na may maraming sili at may minatamis na saging tapos maraming tapioca pearls." Pagkalas na sabi niya na mayroong  ningning sa mga mata niya.

Hunstman Series #:9- The Innocent DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon