Chapter 15

8.6K 284 28
                                    

ERIN Pov's:
#HisCare

"May sundo ka pala." Pagsiko sa'kin ni Tonette pagkalabas na'min ng gate. Nakahintay na kase dito sa labas si Raven at parang kanina pa 'yata ako hinihintay. Iba na ang suot niya.

He is sitting at his motorbike while smoking. His position makes him hot. Tumayo din siya at tinapon sa lupa ang yosi niya nang makita ako. Ngumisi siya bago lumapit sa 'min.

"Hi, Mr. Raven!" Bulalas na pagbati ni Tonette at saka itinulak pa ako sa pwesto ni Raven, dahilan para mapasubsob ako sa katawan nito.

"Tonette—"

"Bye! Enjoy your date!" Biglang singit nito at mabilis kaming iniwan. Sinamaan ko lang ang likod nito nang pisilin ni Raven ang beywang ko.

"Tara na, malapit ng magsimula ang laro." Pagkuha niya pansin sa akin bago ako bitawan.

"H-hindi kase ako nakapag-paalam sa parents ko—teka lang!" Hinila niya ako papunta sa motor niya.

Akma niya akong susuotan ng helmet nang pigilan ko siya. Nangunot ang noo niya habang nakatunghay sa 'kin.

"Ihahatid naman kita ng walang galos at buo." Biglang pagngisi niya bago hinagod ang kabuuan ko. Tumigil ang mga mata nito sa legs ko.

"Eyes up, Mister." Pagsita ko at pag-tsk naman niya bago binalik ang titig niya sa akin. Tumaas ang kilay ko at saka sinamaan pa siya ng tingin.

"Tawagan mo at gumawa ka ng alibay na gagabihin ka sa pag-uwi or sabihin mo na kasama mo ako." Magaling na suhestiyon nito na lalong nagpataas ng kilay ko. Napeywang pa ako at lalong sumama ang mukha ko.

"Tinuturuan mo ba ako na magsinungaling sa parents ko, ha? Alam mo na iba magalit si Dad." May bahid ng inis ang boses ko. Kase naman iniiwasan ko ng magkasala ng husto sa magulang ko, eh. Pero heto..

"Nakakatakot nga na magalit si Daddy. Sige ihahatid na lang kita." Umiiling na sagot nito pero ngumisi din nang makita ang reaksyon ko sa feeling pagsambit niya kay Dad.

"Wala kang balak na umalis, Mister?" Pag-irap ko at akmang aalis nang mabilis niya akong nahapit sa beywang ko paupo sa motor niya.

"Tsk. Mainipin talaga ang nobya ko. Pero love ko 'to kaya kailangan na magtiis ako." Pagpisil pa nito sa ilong ko bago umangkas sa unahan ko.

Sinuotan niya ako ng helmet bago nito pinausad ang motor niya. Ilang sandali ay binaybay na na'min ang highway. Sakto lang ang takbo niya.

"Wait! Where we're going?" I exclaimed when he diverted his motorbike on the left side instead at the right side of the road.

"May dadaanan lang ako mabilis lang 'to!" He answered me with a quick glance before focus his attention on the road.

Hindi na ako tumutol pa at humigpit pa ang yapos ko sa likod niya nang bilisan nito ang pagpapatakbo.

WE stopped at the entrance of the San Juan Park. Nauna akong bumaba kasunod siya matapos maiparada ang motor niya. Medyo marami na ang tao dito sa park karamihan ay maglovers.

"Anong ginagawa na'tin dito?" Tanong ko nang harapin ito.

"May kikitain lang." Pagngisi niya at saka hinila ako sa kamay na kinakislot ko. Lumakad kami sa unahan papunta sa tindahan ng mga tsinelas.

"Edi sana nagtaxi na lang ako kung may kikitain ka pa lang iba." Inis na bitaw ko na kinahinto nito dahilan para mabunggo ako sa likod niya.

Nag-angat ako at sinamaan ito ng tingin habang hawak ang noo ko. Nakangising hinarap niya ako at saka hinaplos pa ang noo ko na nabunggo.

Hunstman Series #:9- The Innocent DaughterWhere stories live. Discover now